chapter 24 We Begin Again Part 1

20.2K 376 7
                                    

                Nakakainis siya! Bahala siya sa buhay niya. Kung galit siya sakin eh di galit. Argh! Napakapusong bato niya. Hinalikan ko na nga siya sa pisngi for saying sorry tapos hindi pa rin niya ako papansinin.

Kung yan ang gusto niya eh di wag nalang kami magpansinan. Bahala siya,wala akong pakialam sa kanya.

FLASHBACK

Katatapos ko lang kumain sa cafeteria ng makita ko siya sa may pintuan na nakikipagkwentuhan sa babae na mukhang clown sa kapal ng makeup isama mo pa ang sleeveless niyang damit at maikling palda. School kaya to, heller? Hindi ito bar para iparada ang labas niyang katawan.

Papalapit na sana ako sa kanya ng bigla siyang umalis kasama ang oh-monster-face na yun at dinaanan lang ako na parang walang nakikita.

Huh? Hindi ako pinansin ni stranger.Galit pa rin siya. Naku naman.Ayoko pa naman ng may nagagalit ng dahil sakin.

***

Nasa library ako, gumagawa ng mga activities na namiss ko sa mga araw na wala ako ng makita ko siyang papalapit sakin...

Hindi pala sakin kundi sa babae na nasa likod ko. Grabe talaga 'to akala ko papansinin na ako, hindi pa pala.

"Gusto mo bang kumain sa labas?" dinig ko na tanong niya dun sa babae

"Oo naman,tara!" May gana siyang yayain ang ibang babae sa labas samantalang sarili niyang asawa hindi niya mayaya. Psh! Pakialam ko nga ba diyan. Mabuti nga yun kasi free akong gawin ang gusto ko kahit na may asawa ako. Tama. Walang pakialaman sa gagawin.Tama.

END OF FLASHBACK

Uwian na namin ngayon pero hindi niya ako sinundo o hinintay. Pinadala niya lang yung kaibigan niyang si Denstah para ihatid ako sa bahay.

"Salamat Denstah."

"Walang anuman. Pinasasabi ni Prince kumain kana lang daw mag-isa."

"Eh siya?Psh!"

"Nag-away ba kayo?" tanong niya.

"Ewan dun. Pinakita ko lang naman mga memories namin ng bestfriend ko tapos ayun nagalit siya."

"Alam ko ang tawag diyan. Selos."

"Selos? Ha? Hahahahaha nagjojoke ka? Siya nagseselos? Hahahaha."

"Haaay naku! Maaayos niyo din 'yan. Hindi mo lang alam kung gaano ka niya kamahal."

"Ha? May sinasabi ka?" Hindi ko kasi maintindihan last sentence niyang sinabi.

"Wala. Magsimula kayo sa pagkakaibigan para maayos niyo yan."

"Ha? What do you mean?"

"I mean. Hindi mo siya diba kilala?" I nod.

"So, getting to know each other stage palang kayo. Magsimula kayo bilang magkaibigan para makilala mo siya, just act like hindi mo siya asawa kundi kaibigan lang." May point siya sa sinasabi niya.

"Dapat maging magkaibigan muna kami para makilala ko siya?" he nod.

"Tapos?"

"Then go to the next level. Falling in love." Naubo ako sa sinabi niya.

"Seryoso ka?"

"Uhmmm. Hindi ko alam, binibigyan lang naman kita ng advice para makilala mong mabuti ang ugali ni Prince Anhiro."

"Ahh. Ahehehe!"

"Ituring mo si Prince katulad ng pagtrato mo sa bestfriend mo. Sige, may pupuntahan pa kami. Kumain ka daw ng marami sabi niya." Sabi niya atsaka umalis na siya. Naiwan ako dun na wala lang. Iniisip ang sinabi ni Denstah. Agad kong hinubo ang sapatos ko at sumalampak sa malambot niyang kama.

Kaibigan.We need to start in friendship first katulad ng samin ni Angelo. May point nga talaga si Denstah sa sinabi niya kanina pero pano kami magiging magkaibigan? Eh kasi siya, dapat friendship muna kami agad siyang nagcheat to the next level,nag skip mission pa siya na parang sa laro lang.

Haaaay! Pagkatapos ng getting to know each other. Falling inlove naman ang sunod. Ohmy! Kailangan kong pigilan ang sarili ko sa next level na yun. Hindi pwedeng mahulog ako sa kanya. Hindi yun pwede.

Nagpalit nalang ako ng pantulog ko na damit at nagtoothbrush na. Habang nagtotoothbrush ako hindi ko mapigilang isipin ang sinabi sakin ni denstah. Next level is falling inlove. falling inlove... falling inlove...

No,hindi yun mangyayari kasi ang puso ko ay para kay bestfriend lang. Hindi na yun magbabago. Hindi ito mapupunta sa kanya. Bakit ba yun agad ang iniisip ko? Hindi ko pa nga alam kung pano kami magsisimula sa pagiging magkaibigan.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon