Chapter 23 The Concerned Husband

Start from the beginning
                                    

Blouse check.

Bra check.

Undies check.

Nakasuot pa din ako ng damit,nakauniform pa nga ako eh.Ito pa yung suot ko kahapon. Haaaays! Akala ko may nangyari na. Haaaaay! Nakahinga-hinga din ako ng maluwag. Tiningnan ko siya at naghihimutok sa sakit ng likod niya. Opps! I didn't mean it!

"Ouch! What the hell kung matulak mo ako aabuting hanggang mars."

Masyado naman itong exaggerated. Nasa sahig pa nga lang siya, mars na agad ang inabot.

"Sino bang may kasalanan na sa tabi ko ikaw matulog?"

"Psh! kinocomfort lang naman kita kasi umiiyak ka tapos ganito lang igaganti mo sakin." Huh? Comfort? kinomfort niya ako? Talaga?

"Ehhh. Basta kasalanan mo pa rin ang sa tabi ko ikaw matulog."

"Ikaw nga ang may kasalanan diyan. Sino kaya ang ikinahihiya ako sa harap ng maraming tao." Ibato ba naman sakin ang nangyari kahapon.

"Eh..uhhh..b-bawal mag-aral dun ang may asawa kaya ayaw kong ipaalam na may asawa na akong tulad mo stranger!" Alam kong Prince siya ng yakuza. Kapag naiisip ko lang yun natatakot akong tumingin sa kanya baka mamaya patayin nalang niya ako sa sobrang inis sakin.

"Wala akong pakialam! basta gusto ko ipakilala mo ako sa kanila." sabi niya habang hinihimas ang likod niya na natama sa sahig. Napalakas yata talaga ang sipa ko sa kanya.

"A-ayoko. Ayokong ipakilala kita sa kanila, alam ng lahat na bestfriend ko lang ang gusto ko." sagot ko at ng biglang maalala ko ang bag ko kung saan andun ang memoirs namin.

"Asan ang bag ko?" tanong ko at hinanap ito. Nasa side table lang pala. Kinuha ko ito at nakangiti kong tinaktak ang mga gamit na ala-ala namin ng bestfriend ko.

"Ano 'yang mga basura na yan?" tanong niya pero tiningnan ko lang siya ng masama.

Basura? >_______<

"Hindi ito basura, treasure ito."

"Hindi naman ginto yan ahh."

"Porket treasure kailangan ginto agad hindi ba pwedeng memories ito ng taong pinaka mahalaga sayo?" Nakangiti kong tinitingnan ang mga ito ng bigla akong magulat sa malakas na pagsarado ng pinto.

Hindi naman siya galit niyan?

>////\\\\<

TANGA! TANGA! bakit kailangan sa harap niya ko pa ito ipakita.

-_________-"

Hohohoho! Galit siya. Imbis na magpasalamat ako sa kanya kasi niligtas niya ako kagabi, nagalit ko pa siya lalo.

Naligo na ako at nagpalit na ng uniform at pagkatapos ay bumaba na para mag almusal. Nagugutom na ako kasi hindi ako nakakain kagabi.

Pagdating ko sa baba, andun na si stranger at kita ko ang masama niyang aura ngayon.

*gulp* nakakamatay ang matatalas niyang tingin >_______<

"Good morning madam! Kain kana po." bati ng katulong sakin.

"Ah. Eh. Opo." sagot ko habang tinitingnan si stranger na alam ko gusto na niyang magbasag sa harap ko ng pinggan. Tahimik lang kaming kumakain at maya-maya.

"PWEE!! ANG PANGIT NG LUTO MO MANANG UMAYOS KA NGAA!!" at biglang luminis ang lamesa na lahat ng pagkain ay napunta sa sahig. Sabi ko na nga ba. Umalis na siya sa pagkakaupo niya at lumabas na.

"Manang pagpasensyahan mo na yan ha! ganyan talaga yata yan. May sapak 'yan sa utak. Nakahithit po 'yan ng katol."

"Opo ma'am, ganyan po talaga yan si sir kapag badtrip." sagot ni manang at agad kong kinuha ang mga gamit ko at sumunod na sa kanya sa labas.

Inistart na niya ang kanyang motor. Parang wala siyang balak na pasakayin ako.

"HOYYY! STRANGER! WAG MO KONG IWAN DITO! HOYY! ARGH!" ayun, iniwan na nga niya ako. Dinaanan lang ako ng motor niya na parang speed of light sa bilis.

"Urgh! Malas! Malas! Pano na ako makakapasok?" kokonti pa mandin ang dumadaan na sasakyan dito. Pinadyak-padyak ko ang paa ko sa lupa na parang bata na iniwan ng kalaro niya sa gitna ng pag eenjoy.

Maya-maya....

Hahahahahaha! Sinabi ko na nga ba hindi niya ako matitiis. Binalikan niya nga ako but this time kasama na niya ang tatlo pa niyang kaibigan dala ang kanya-kanya nilang motor. Kay kerk blue, Kay stranger black, kay denstah red at kay razec ay white.

Halata ngang angkan sila ng mga yakuza, makikita mo palang sa bagay na dinadala nila. Habang sinusuotan niya ako ng helmet, nakatingin lang ako sa mala-asul niyang mga mata, mapupula niyang labi, matangos na ilong at makinis na pisngi. Ano ba itong mga sinasabi ko?

Sumakay na ako sa motor at pagkasakay ko, mabilis niya itong pinatakbo. Siya ang nangunguna sa mga kaibigan niya. Lampas 100 km/h ang speed ng takbo ng motor niya. Badtrip nga siya sakin, BIYAHENG LANGIT ang kinalalagyan ko ngayon eh. Siguro masasanay na din ako na ganito lagi ang buhay ko kapag nakasakay sa motor niya.

Kailangan kong makabawi sa kanya para maalis ang galit niya sakin pero paano?

Nakarating na kami sa school at akala mo sila ang hari na kusa nalang bumukas ang gate ng campus at pinagtitinginan na kami ng mga estudyante pati na din ang mga teachers.

Kahihiyan para sakin ang makasama ang apat nato.

I swear!

Pinark na nila ang motor nila samantalang hindi pa rin ako bumababa sa motor niya.

"Tulog na yata Prince ang asawa mo!" dinig kong sabi ni kerk

Hindi ako tulog.Dinig ko pa nga ang sinasabi mo ehh. Bumaba na siya sa motor niya, muntikan pa nga akong matumba kaya bumaba na din ako.

I need to say sorry to him but how? How can I say it? Siya pa rin ang nag alis ng helmet ko. Siya na nga ang nag suot, siya pa rin ang nag-aalis.

hahahah!

Wow. Sosyal, ang Prince ng yakuza ginagawa kong alalay? Chos! Hindi ah. Siya mismo nagsusuot at nagtatanggal ng helmet ko without my command meaning voluntary ang ginagawa niya.

After that, I just kiss his right cheek and walk away.

Ang hirap magsabi ng sorry,ewan parang namimilipit ang dila ko kapag sasabihin ang salitang 'yun.

"I'm like a statue stuck staring right at you got me frozen in my tracks so amazed how you take me back each and everytime our love collapse." dinig ko na kanta ni Razec, Denstah at Kerk. Sana naman hindi na siya galit sakin. Binigay ko pa mandin ang super duper precious gorgeous tactic treasure ko na kiss.

"-________- hindi ko nga ba alam kung bakit ko yun nagawa. Baliw na yata ako. Madali lang naman magsabi ng sorry, sobrang dali pero bakit pagdating sa kanya hindi ko masabi.

She Married The Stranger [Book1]Where stories live. Discover now