Tula 37: Katumbas ng Pagmamahal ang Pag papakamatay

749 8 0
                                    

Hindi sinasadyang ako'y napadpad sa dalampasigan-hangin na sa akin yumayakap napakagaan.
Nag-lalakad ng naka paa lamang,
nag-iisa sa magandang paraisong kinaroonan.

Ninanamnam ang bughaw na karagatan,
Puno nag kalat kahit saan ka tinitignan,
Hampas ng alon,
Ang ihip ng hangin kasabay nag pasayaw ng dahon,
Ohh! Sa aking tenga ay isang musika.

Isang dilag na naka-itim,
Ngunit kahit ganun pa man nag-bigay ningning sa dilim,
Maraming tumatakbo sa kanyang isipan,
Hanggang sa matanaw niya ang dalampasigan.

May isang kamay na kumakaway
nakakabighani ang kanyang ngiti,
"Halika" ang kanyang boses ako'y tinutulak upang lumapit,
Ang kanyang mata ay may taglay na kapangyarihan,

Hindi man alam ang kahahantungan,
Kung anong ang panganib ang naka-abang,
Hindi man alam kung gaano kalalim
ang kanyang pupuntahan,
Ngunit pinili niyang lumusob,
Kasabay ang malakas na hampas ng alon,
lalim ng tubig,
Ihip ng hangin.

Oo, pinili niyang lumusob na walang kasiguradohan.
Kahit buhay niya ang nakalaan.
Sinugal niya ang kanyang kaligtasan
makasama lang ang nilalang na nasa dulo ng dalampasigan.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Where stories live. Discover now