Tula 52: Tabi-tabi po

487 5 0
                                    


Nag-layas ako sa amin,
Hanggang sa napadpad sa isang kagubatan patinging tingin baka may panganib na nag-aabang,

Madilim,
Tahimik,
Malamig 'yan ang aking naalala sa gabing iyon.

"Tabi tabi po" ang munting nasabi baka kasi may magambala na masamang elemento "d--dilag" ngunit Ano yung boses na narinig isang boses na animo galing sa ilalim ng lupa isang impit, matiis at maliit.
"Si--Sino ka?" "Oh jusko kaninong tinig ba iyon?"
"Nan-dito ako" wala sa harapan
Wala sa kanan at wala rin sa kaliwa
nandoon siya nasa likod ko pala.

Nakatayo ka sa isang umpok na lupa nakasuot ng pulang sumbrero at pulang pananamit.
May mahabang balbas kung saan mas mataas pa sa'yo.
Nakangiti ka sa akin na tila ba nakakita isang pag-lalaroan.

Dali-dali akong tumakbo palayo sa nakita.
Sabay buhos nang napakalas na ulan
maputik, makipot, sobr­ang dilim
Hindi ko alintana basta makalayo lang sa nasaksihan.
Ngunit hindi na malayan ang isang umpok na lupa ako ay natalisod.
"Huli ka" kyaaahhh! tulongan ninyo Ako ayaw ko sa kanya nalilisik ang kanyang maliit na mga mata.

Sabay haplos sa aking mga pisngi,
Kanyang pinunasan ang munting luhang kumawala sa aking mga mata, "Halika samahan mo ako sa aking palasyo." sobrang nangilabot ako sa 'tong sinabi sabay tanggap ko ng kamay mo dahil naalala ko.

"Wala kang kwentang anak"
"Rhia, iha wala na ang ama mo"
"Ikaw ang dahilan ate kung bakit siya namatay"
"Si Jayson ba iha nag pakamatay ang nobyo mo"

Ang dahilan ng pag-lalayas
Dahil sa masalimoot na mundo gusto kung makalabas.
Na kahit paano mag hilom ang aking sugat.
At si'ya at ako dahilan kung bakit nabuo ang akda na may ganitong pamagat.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Where stories live. Discover now