Tula 95: Bugbug o Dignidad?

182 6 2
                                    


Bugbug o Dignidad?
Sigaw ng bata na kung saan sa kanyang murang edad,
Nagpakita ng hindi kanais-nais na abilidad,
Kinulang nga ba ng aruga ng kanyang Mom and Dad?

Sa pribado at magarbong Palasyo.
Naninirahan ang nag iisang Don Tasyo.
Ang pananakit ng kapwa ang naging bisyo.
Lalo na sa mga nakikita niyang mga dayo.

Sa kanyang walang kapantay na lakas.
Kaya niyang tuldokan ang salita na para wala ng bukas.
Kaya makita lang nahihirapan ang kapwa sa kanyang mga rehas.
Siya nag-lalaway na para bang isang ahas.

Sa isang liblib na espasyo,
Kung saan tago parte nitong palasyo.
Pag masdan kahit sa malapitan o malayo.
Ayan na naman ang nag-uuyam na Hari ninyo.

Bugbug nga ba o dignidad?
Ano na nga ba ang tunay na istorya sa likod nang hayok na Hari?
Sa bawat tadyak, pag-mumura at pananakit.
Siya rin ba ang bata nakaranas nang sakit?

Na bugbug, nang mapanghusgang mundo.
Na sa bawat natamong sugat,
hinihintay niya rin ang gamot sa kanyang madilim na mundo.
Isang batang biktima rin ng lason.

Dignidad, sa murang edad kasing taas nang tore ang tingin sa kanya.
Dahil siya si Don Tasyo at tinitingngala ng karamihan.
Kung saan kahit sino ang kanyang kasamahan.
Ginto ang naging tingin sa kanyang katauhan.

Siya si Don Tasyo, minsan na nag kamali.
Kaya rito sa atin mundo tila hindi na siya kasali.
Bugbug o Dignidad? Ulit tanong niya sa kanyang sarili.
Ngayon tila nababaliw at hindi na siya mapakali at makapili.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Onde histórias criam vida. Descubra agora