Tula 96: Bahay-bahayan

186 4 0
                                    


Hiyawan,
Sigawan,
Palakpakan,
Iilan lamang yan sa mga simbolismo hudyat na mag bubukas na naman ang sikat na bahay sa Pilipinas.

Iba't ibang uri ng mga kabataan,
Ang tumanggap sa hamon nang kapalaran,
Upang maahon sila sa lalim nang kahirapan,
at malagay sa tuktok ng kasikatan.

Mga kabataan na nag-pagilas sa hamon ni Kuya.
Sa mga manonood nag-bibigay sila ng saya.
Pero kalaunan unti-unti silang nakilala.
Dito sa mapanghusgang Mundo sila ang naging taya.

Babaeng ninanais lamang ang tamis ng tsokolate.
Buhay niya ay nilakbay na para ba sila ay mga butete.
Babae na hinusgahan na pokpok at pariwala.
Hindi naman kaya siya lamang nag hahanap na ilaw sa isang tala.

Isang nilalang na 'di kanais-nais ang Kurba ng isa parte ng mukha.
Namamayani ang tawanan isang malakas na Haha.
Tila ba isa silang mga perpektong nilalang at nasa posisyon upang maging lason.
Hindi naman kaya siya ang isang dilag sa murang edad alam na niya ang kanyang misyon.

Ito pa, may isa dilag ang puntirya ng madla.
Hindi raw makontento sa kanyang iniirog?
Ninanais bumitaw sa matagal niya pananatili sa isang bilog.
Hindi naman kaya ang bilog na ito noon pa man tinangay na ng ilog.

Bahay-bahayan,
Namamayani ang sigawan,
Hindi mawawala ang palakpakan
nandyan din naman ang tawanan at iyakan,
Ito ang bahay kung saan ang nakatira dito ang paboritong paksa ng madla.

~~
UNKNOWN voice; Hi mah happy pill since pasko ito yung munting gift ko sa inyo, pasasalamat sa patuloy na pag suporta sa akin mga munting gawa kahit na alam ko marami akong typos o mga hindi dapat gamitin? Hahahahaa! Salamat talaga sana hindi kaya mag sawa sa pag babasa at pag suporta sa pag lalakbay ni Unknown poet. Huwag mahiya mag iwan ng komento o kahit munting mensahe dahil ito nag bibigay enerhiya sa akin pluma. Mula maligayang pasko my Happy Pills :)

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Kde žijí příběhy. Začni objevovat