Tula 100: Imahinasyon

166 1 0
                                    


Ipipikit ko na lang ang aking mga mata,
Hahayaan dalhin ako nito sa kadiliman sinta,
Kung saan may ikaw at ako na mahuhulma,
Ikaw at ako mag kasama sa malambot na kama.

Habang namumuntawi ang ngiti sa labi.
Nag bibigay enerhiya sa akin ang iyong mga sinasabi.
Mag ka hawak kamay tayo habang magkatabi.
Mga problema hinaharap akin naisantabi.

Dinadama ang bawat pag yapos mo sa akin,
Habang na hihipnotismo ako sayong tingin,
Para akong na kaharap sa salamin,
Pag katao ko tila nais mong alamin.

Tunay nga ang akin saya sa piling mo,
Ngunit ito lang pala ay isang imahinasyon ko,
Sapagkat giliw, akin ka sa akin imahinasyon,
Hanggang doon na lamang ako.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Onde histórias criam vida. Descubra agora