Tula 93: Pinintahan ng Asol?

137 0 0
                                    

Sa bawat pag-lapat,
Hindi ko alam kung ito sayo sasapat,
Marahil ilang man kung mararapatin,
Dahil hindi man lang si'ya makatingin.

Ang dating kulang sa buhay na kulay.
Unti-unti mong binibigyan buhay.
Sa bawat hampas nang iyong mga kamay.
Ang dating kulang naging makulay.

Sa bawat pag labas ng musika.
Siya nakakapinta ng isang mahika.
Kakalat ito at bibigyan kulay ang ulap.
Hanggang iduduyan ka sa alapaap.

Ang malalim na mundo ng karagatan,
Bibigyan ng kulay at kasayahan,
Ang mga isda kung saan naninirahan,
Naging kulay mo ang tirahan.

Kulay, kung saan naging maramot sa akin.
Dahil hinulma si'ya para lahat siya mahalin.
Isa lamang hamak na pintor sa mundo,
At siya ang kulay na malabo sa akin konektado.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora