Tula 106: Tiktilaok ni Manok

129 1 0
                                    

Tiktilaok! Tiklaok! Tiklaok! 
Ayan na naman ang kanyang sigaw. 
Kung saan namamayani sa buong bayan.
Dahil dito nagising na naman ang diwa ni Papa.

Pa,
Ninanais ko na lang na maging alaga mo.
Yung tipo ikaw na lang yung magiging amo ko.
Para kahit papaano ako ang nais mo makasama. 
Pa! Sana ako na lang ang mga alaga mong manok.

Pa, 
Gusto ko rin kasing marandaman kung paano ka mag-alaga.
Ninanais makita na minsan gumuhit sa'yo ang mukha ng pag-alala.
Pa! Sana ako na lang ang mga alaga mong manok.

Pa,
Sana kahit minsan ikaw ang makita hinahanda ang akin pagkain.
Sasamahan ako at habang makikinig sa iyong mga kuwento.
Pa! Sana ako na lang ang mga alaga mong manok.

Pa, 
Sana naman kahit papaano mahalin mo ako.
Dahil ako ang naging bunga sa pag-mamahal ninyo ni Ina.
Pa! Sana ako na lang ang mga alaga mong manok.

Tiktilaok! Tiktilaok! Tiktilaok.
Ayan na naman si Papa hindi pa naliligo ngunit sa kanya agad ang diritso.
Tiktilaok! tiklaok! tiklaok! 
Pa! Sana talaga ako na lang ay naging isang manok.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora