Tula 19: Ang Pag-ibig sa Social Media

1K 6 0
                                    

Nag-lalakbay na naman ang aking utak,
Sa mga panahon na una kitang nakilala,
Bakasyon ng wala akong magawa,
Gadget ang hawak at social media nakatambay.

Scroll lang nang scroll hanggang pangalan mo ang nakita,
Pangalan ang pinag-uusapan sa mga panahon na yun,
Labis ang pagtataka kung bakit
kaya dali-dali hinanap ang 'yong account.

Sa pag diskubre ko nito labis ang galak,
Sapagkat hindi inaasahan ang nararamdaman,
Nakakalungkot lang na hanggang follow na lang ako,
Pero hindi ito naging hadlang para mapansin mo ako.

Labis ang kilig sa tuwing mag-rereply ka sa akin.
Lalo na kung mag-rereact ka ng puso sa status ko.
Labis din ang galak sa pag-reply mo sa aking mga mensah.

Lalo na apat na beses mo akong in-add.
Oo, sinta ganyan ang epekto mo sa akin,
Ewan ko kung bakit nga ba,
Sa dinami-dami ng isda ikaw ang nakakuha ng aking atensyon.

Sa pag-usbong ng teknolihiya,
Siya rin naman ang pag-upgrade ng ating mga nararamdaman,
Na kahit sa social media lang nakikita,
Mamahalin na nang lubosan.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ