Tula 53: Anak ni Rizal

507 1 0
                                    

Dama ko na naman ang simoy ng kapaskohan,
Nag niningning na naman ang mga kabahayan,
Nag kalat ang mga palamuti kahit saan ako tumingin,
Ito ay napakagaan sa paningin,
Lahat ay may kanyang-kanyang plano sa handaan,
Mga bata sa bahay nag-kakantahan,
Ito na parating na nga ang masayang kapaskohan,
Ngunit ako ito si Junito nakatingala sa kalangitan.
Pinagmamasdan ang buwan,
Kasama ang mga tala kumikinang,
Isang batang palaboy-laboy
walang orihinal na kabahayan,
Kahit saan lamang ako nakatira
Wala akong ina at ama iniwan lang sa isang sulok,
Ako si Junito isang simpleng  bata na tanging kuwaderno at pluma ang mayroon,
Dahil ito ang tanging handog ko sa ating bayan.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon