Tula 66: Grade 11- GAS ONE(nited)

549 6 2
                                    


Mag balik tayo sa pinaka-umpisa,
Kung saan tayo nagkakaisa,
Dimensyon ating tinatahak ay iisa,
Pinili ng ating mga paa nang kusa.

K-12 bagong pakulo ng gobyerno—sa mga utak bumabagabag ang tanong na Ano?
Sa pag-tahak sa bagong yugto ng buhay.
Ninanais ang samahan na handang umalalay.

Grade 11- Gas One sa samahan kami na pa bilang.
Aaminin namin kung saan unang araw kami naiilang.
Pero pag-lipas ng ilang araw—unti unti ngiti sa labi matatanaw.

General Academic Strand amin pinili
Mga kaalamanan na maanghang na parang sili.
Bukod tanging strand na mainit.
Sa bawat apoy na binubuga katumbas ng pangaral.

Mainit,
Umaalab,
Nakakapaso,
Lumiliyab.

Iilan lang sa mga katagang maaring ihambing sa amin.
Ngayon bibigyan hustisya ang pamagat.
Bakit nga ba yan ang piniling isulat?

Isang seksyon, iba't ibang uri ng mga mag-aaral.
Seksyon kung saan handa kang tanggapin nang bukas palad.
Masasabi na lang namin na kami mapalad.
Dahil dito kami napadpad

Tamad,
Gwapo,
Maganda,
Matalino,
Singer,
Dancer,
Fangirl,
Simple,
Friendly,
Masipag,
Palabiro,

O kahit ano ka pa naman—wala kaming pakealam.
Dahil walang pinilipili aming samahan.
Grade 11- Gas One(nited) ang pangalawa namin na tahanan.

Hindi lang basta magkaklase dahil pamilya na aming turingan,
Salamat sa mga alaala at kulitan,
Sa kuwentohan at tampohan.

Lalo na sa mga hindi akademikong leksyon kundi leksyong ng buhay.
Kaya ang simpleng akda na ito sa inyo iaalalay.
Dumating man ang panahon na tayo nag ka watak-watak.
Grade 11- Gas One(nited) sa puso't isipan samahan na sa atin tatak.

Sabay-sabay tayo magtatapos.
Kaya laban lang kahit na tayo mapaos.
Mag wakas man ang akda na ito.
Pero mag papatuloy parin ang ating kuwento.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Where stories live. Discover now