Tula 107:Kinahon ni Maria ang kanyang Tinig

77 0 0
                                    


Ako si Maria! kung saan hindi ninanais mag-salita.
Mailap at misteryosa ako dahil akala nila bagong salta.
Hindi mo kakikitaan ng pagiging interesado.
Dito sa aking kinatatayoan na mundo.

Aakalain mo isa lamang akong  laruan,
Hindi umiimik kahit kanino man,
Makikita mo lang ako umaaligid kahit saan,
Mata ko, makikita mo kahit kanino man.

Ako yung tipo kung saan hindi pala kaibigan,
Nilalagpasan lamang ako nitong karamihan,
Mas ninanais sa sulok lamang manirahan,
Dahil nga ako si Maria.

Dahil sa mundo namamayani ang lason,
Bingi sa iyong sasabihin na mga rason,
Kung saan nasa paligid lang ang tensyon,
Hindi mawari kung ano ang ating misyon.

Tayo ay nakulong na sa masalimoot na mundo.
Ang mga naninirahan namamayani ang poot.
Isang pitik lang ikaw na ang sentro sa kanilang mga mata.
Isang buka lang ikaw na ang kanilang puntirya.

Kaya si Maria ay nanatiling tikom ang bibig,
Mas minabuting niyang ikahon ang kanyang tinig,
Ito na lamang ay tinago niya sa sulok,
Kung saan hindi maririnig ng karamihan.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon