Tula 80: Bahay bakasyonan lang

217 4 0
                                    


- Ang akda ito ay para sa mga taong minsan na naging option

-----
Noon makilala kita agad kitang ginawang sentro ng aking mundo.
Kung saan tinuring kita aking tahanan—tahanan na aking uuwian Kapag hindi ko na alam ang pupuntahan.
Tahanan na magiging saksi sa bawat sugat na aking natatamo.

Oo, ikaw yung tinuring kung tahanan na magiging takbohan at sandalan.
Sa bawat pamamalagi ko dama ko ang seguridad sa akin buhay.
Handa kitang alagaan at ipaglalaban dahil ikaw ang tahanan ko.

Ngunit...

Bakit ang daya mo giliw?
Bakit ang sakim mo kung mararapatin?

Habang tinuturing kitang tahanan ako naman itong bahay bakasyonan mo.
Oo, bahay bakasyonan na kung saan nanaisin mo lang puntahan kapag napapagot ka.
Yung tipong wala kang mapupuntahan iba kaya bigla mo akong maaalala.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora