Tula 22: Ikaw

1K 12 1
                                    


Ikaw, isang salitang binubuo ng apat na letra.
Pangalan mo sa isip hindi na mabura,
Kupido puso ko ang tinira,
Puso ko binuksan mo kung saan dati ito nakasira.

Iyong tinig ang aking paboritong musika,
Para bang ito ay may taglay na mahika,
Nasa bawat bigkas mo ng lirika,
Sinasabi sa akin na mahalin ka.

Sa pagiging KathNiel fanboy mo sinta,
Galak sa mukha nakapinta,
Sa pagiging parehas ng interest,
Mas lalo akong humahanga sa'yo Rex.

Sa 'yong pagiging famous,
Tulang ginawa para sa'yo sana bumenta at hindi malaos,
Sa 'yong mala greek-god na pag- mumukha,
Mas lalo akong humahanga.

Ikaw, ang isa sa dahilan kung bakit ako kinikilig.
Ikaw, ang nagpapalusaw sa aking puso sa tuwing litrato mo ako titig,
Sa pag tatapos ng aking ginawa
Sana man lang ikaw matuwa.

IKAW? IKAW.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Where stories live. Discover now