Tula 65: Kendi ni Ineng

236 2 0
                                    


Ala una noon sobrang nagbabaga ang init
Si haring araw na naman ay humahagupit
Tagaktak ang aking mga pawis
Ngunit natatakam ako sa matamis.

Para ba ito ang susi upang init na nararandaman—kahit papaano akin mabawasan.
Oo, wala siyang koneksyon.
Katulad na lamang na nararandaman ko sa'yo na walang solusyon.

"Taaaooooo po!" "Pabili ng kendi" sigaw ko sa tindahan ni aling Bebang.
"Sandaaalliiii" pabalik sagot ni aling Bebang.

"Taooooo poooo!" "bibili lang ng kendi" ito talaga si aling Bebang napakatagal.
Nahuhumaling na naman kasi sa sugal.

"Ito na ineng kay ingay bata naman ito."
"Bibili kendi yung po owh aling Bebang" sabay turo sa kendi.
"Ito na ineng libre na yan, good-mood kasi ako."
"Talaga po?" "Salamat! Yepey!"

Ito na si'ya ang kendi inaasam ko—katulad ng kanyang mga pangako.
Magandang tingnan at matamis pakinggan.
Ngunit iiwan ka lang pa lang luhaan.

Dahil sa sobrang tamis nang bawat salita,
Unti-unti na pa lang akong sinisira,
Pero handa pa rin akong sumugal,
hindi alintana ang sakit na tatagal.

Matikman lang ang iyong pag mamahal
siya ang kendi nais kung ipagdamot
Siya ang kendi hindi ko malimot
dahil ito ang kendi ni Ineng.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن