Tula 33: Kapitano Letrang A

868 4 0
                                    

Nag-simula sa simpleng asaran,
Hindi malilimutan ang kwelang kuwentohan wari walang patutunguhan,
Kapag kasama kita tunay na ligaya ang nararamdaman,
Salamat sa mga leksyon na sa'yo aking natutunan.

Sa bawat takbo nang matulin ng oras,
Sa bawat lakad ng panahon,
Bumabalik ako sa kapanahonan
ikaw at ako nakatitig sa kawalan,
Mga mata nating kasing ningning ng tala sa kalangitan,
Ating ngiti kasing lawak ng lupang kinahihigaan.

Tawag mo sa akin nakakaasar man ngunit aking nakasanayan,
Masaya ako sa bawat sandal sa bisig mo,
Sinanay mo ako sayong presensya.

Hanggang diyan na lang aking piyesang aking gagawin.
Oo, ito nga naman bitin sapagkat wala ng madagdag.
Dahil sayong biglaang paglisan.
Hanggang sa muli nating pagkikita nawa' madugdungan ko ang ating istorya sinta.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Where stories live. Discover now