Tula 57: Kakaiba man sa Iba

368 1 0
                                    

Patawad sapagkat ibang ang aming kilos,
Kung saan tinitignan na para kaming namamalimos,
Isang parte ng komunidad na hikaos,
Kakausapin na parang nahihiya sa pagiging paos.

Malambot man bilang lalaki—personalidad man peneke.
Tigasin man bilang babae,
Gusto man ay babae rin bae.

Patawad dahil naiiba man kami,
Lahi namin patuloy na dumadami,
Naging matapang man pisikal
Tigasin man na parang bakal,
Ngunit kami rin ay nasasakal.

Kami ay biktima ng kapintasan,
Komunidad man namin kami kinaiinisan,
Pagkatao pilit na dinudungisan,
Sinusundan ng malas kung saan.

"Bobo" "salot" "madumi" at kung iba't iba pa ang tawag sa amin.
Mga sugat na natatamo sa amin.
'Yong masisilayan sa salamin.
Dahil tao rin kami nasasaktan ako'y aamin.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ