Tula 85: Ang Naging Kuwento Namin

262 4 0
                                    


Sinta, ito ang aking akda para sa'yo,
Na buong puso isasawalat kahit na ikaw ay malayo,
Akda na hulma dahil sa salitang tayo?
o ako lang ang nag-mamahal sa'yo.

Aminado ako na ako ay isang magaling na manlalaro.
Pero sa kuwento namin dalawa tila ako ang nilaro.
Handa ko naman depensahan ang pag-iibigan namin.
Pero ang bilis mong bumitaw sinta. Noon ako'y nalingat dahil nag salamin.

Ang dami kong parangal sa larong basketbol,
Pero ito ako parang si tanga sa'yo humahabol,
Na kahit ikaw lang masilayan pintig na puso parang kalambog ng tambol, Mundo ko tila biglaan lumindol.

Sa bawat tira ng tres—Kung saan wala itong mintis.
Sana sa tabi ko rin ikaw nag-tiis.
Ginawa ko naman lahat para sa presensya ko ikaw hindi mainis.

Sinta, sa bawat tinig na akin naririnig habang nag-lalaro.
Tinig at mukha mo lang sa akin ang naging klaro.
Mabilis naman akong nakakaintindi sa bawat turo ng aming team captain. Pero, bakit ganun? Ikaw na agaw pa rin.
Na ginawa ko naman ikaw ay intindihin.

Kaya ngayon nag-dadalawang isip,
Sa pamagat na akin sinipsip,
Ito nga ba ay kuwento natin?
O ang kuwento ko habang ang puso ko nagpapakantanga pa rin.

Tama na nga siguro ang kuda,
Tataposin ko na lang siguro ang akin akda,
Akin na lamang ibababa ang sandata,
At dito wawakasan ang mga salita.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Where stories live. Discover now