Superman? Batman? o kahit sino pa man.
Walang makakatalo sa aking only man.
Siya si Iron-Tatay hindi alintana ang pagod sa trabaho—pag-mamahal niya ay 'di mag-lalaho.Kung mag-bantay daig pa ang gwardya,
Gagawin ang lahat upang ikaw mapasaya,
Hatid-sundo sa akin paaralan,
Siya rin ang nagiging instant kaibigan.Masakit man ang kanyang bawat palo,
Ngunit mga aral niya sa buhay nais niya lang iyong masa-ulo,
Sa tuwing nalalsing napakaingay,
Kung mag kuwento todo bigay.Wala man siyang kapangyarihan.
Pero handa ka niyang protektahan
Siya ang haligi ng tahanan.
Daniel Ford? Fictional Characters? o kahit sino pa man
Si Iron-tatay pinakagwapo sa kalalakihan.Palage ka man niyang pinagbabawalan.
Busangot man 'yong mukha dahil sa gala hindi pinayagan.
Pero siya si Iron-Tatay ang lalaking pinaka-importante sa aking buhay
hindi mag sasawa sa aking umalalay.
![](https://img.wattpad.com/cover/99860873-288-k581420.jpg)
YOU ARE READING
Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)
PoetrySa bawat salita at linya ay may tinatagong pahiwatig ang nakakubli basahin ng taimtim nang malaman mo ang kuwento ng manunula(t)