Tula 68: Bilanggo sa Dilim

333 3 0
                                    


Sisipol na naman ang bagong umaga
mamamayani ang ngiti at sigla.
Makikipag-usap na parang normal—nakaka-usap natin siya sa personal.

Minsan nag-bibigay ningning sa madla,
Mga pangaral niya tatatak sa atin alaala
Pipiliin niya ang kasiyahan ng iba
kumpara sa sariling ngiti niya.

Ngunit...

Isa lamang itong palabas,
Dahil lahat ng ito peke ang katumbas
Sa pag dating ng gabi, tunay na mukha niya lalabas,
Unti-unti mababalot siya nang husto ng lungkot,
Puso man niya ay napuno ng poot.

Saski ang apat na sulok sa pag-kukulong niya.
Luhang pumapatak walang pumapalya.
Mahigpit na pag-kakayakap sa unan
dahil siya na naman ay luhaan.

Biktima si'ya ng mundo mapanghusga.
Kung saan husga muna bago kilalanin—Mas matimbang ang mali nagawa at burado na ang tamang ginawa.

Sasaktan muna siya at 'di man lang, Nakaranas ng pangungumusta,
Kung saan ilan beses na siyang nasaksak,
Pulang likido malalasap sa unti-unti nitong pagpatak.

Siya si "Dep" babaeng itim ang pangunahing takbohan.
Matutulis na bagay ang nais samahan.
Unan ang naging ka kuwentohan.

Siya si "Dep" lunod na lunod sa sariling luha,
Siya ang dilag na naka kulong sa sariling lungkot,
Ilan beses na pinag-isipan magpakamatay,
Dahil 'di niya mawari sa mundo, ano ang kanyang misyon.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon