Tula 60: Halaga ng Piso

496 1 0
                                    

Madalas hindi binibigyan ang aking halaga,
Madalas lang akong binabaliwala,
Dahil isa lang akong mababang uri ng pera,
Na para bang kung wala ako hindi sila masisira.

Piso lang yan hindi importante—pag nawala hindi ka masesenti.
Hindi naman daw kasi kawalan.
Kaya madalas lang pinababayaan.

Pero sa pagiging piso nag-sisimula ang lahat.
Kung saan malalasap muna ang pait at alat.
Dadaan ka muna sa pagiging mababa.
Tatapakan at unti'unti iihila pababa.

Hanggang sa malalaman nila iyong importansya.
Sila naman sa'yo mag papantasya.
Dahil walang isangdaan—kung walang pisong dadaan.

Oo, piso lang naman ako.
Pero may halaga ako pangako,
Maliit man sa paningin,
Pero balang araw titingngalain din.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें