Tula 58: Bilang Gamot ng mga Pasensyente

323 2 0
                                    

Unti-unti na naman nasisilayan ang kadiliman,
Kung saan sinasakal ang bawat naaanigan,
Hinihila patungo sa dimensyon ng kalungkotan,
Hindi mawari kung kailan sila titigilan.

Papatak na naman ang matang luhaan,
mamamayani ang bawat hikbi ang mapapakinggan,
Lubid, kutsilyo at lason ang naging kaibigan,
Ito na ang kailangan naging sandalan.

Ngunit may bukod tanging halaman
sa disyerto ng kaharian.
Siya ang mag-sisilbing gamot ng mga namamalagi sa lugar na ito.
Kahit wasak at durog din si'ya—ngunit handa siyang mag bigay saya.

Isasantabi ang sariling hinanakit sa lipunan.
Upang mag bigay gamot sa karamihan.
Baon niya ang mga salitang hihilom ng mga pasyenteng sugatan.
Ito ang kanyang misyon habang si'ya nakatindig sa mundong kinabibilangan.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora