Tula 5: Kaibigan lang Kita

2.4K 22 0
                                    

"Best" ang ating naging tawagan,
Best-friend ang naging turingan,
Sa tuwing may problema ikaw ang naging sandalan,
Ikaw ang naging kakulitan.

Kasama sa lahat ng trip sa buhay,
Kapag wala na akong maintindihan na diyan ka para umaalalay,
Sa presensya mo sa akin buhay ako nasanay,
Sa mukha mo hindi ako nauumay.

Sa pag-lipas ng panahon,
Tuloyan na akong 'di makaahon,
Nararamdaman ko sa'yo gumagrabe,
Naisin ko man pero hindi ko ito kayang isantabi.

Tandang-tanda ko pa ang pag-nanais
mong ikaw tulongan,
Sa pang-liligaw mo sa 'yong napupusoan,
Sa pag-hingi mo sa akin ng mga payo,
Kung paano magiging kayo.

Yung araw na sinagot ka niya
labis ang iyong saya.
Hatid sundo mo nga si'ya.
Masakit man pero pipilitin kung maging maligaya.

Kahit nawawalan ka ng oras sa akin,
Mapapatawad agad kita isang sabi mo lang ng paumanhin.
Oo, best ganyan kita kamahal,
Lahat kaya kong isugal.

Isang araw pinuntahan mo ako may —luhang umaagos sa iyong mga mata.
Hiwalay na kayo yan ang hatid mong balita,
Sabi ko naman sayo ako na lang mahalin mo,
Parang awa mo ako nag susumamo.

Bakit kasi hindi na lang ako?
Handa kung tuparin ang kanyang nasirang mga pangako.
"Best" ako ang palaging nandito.
Bulag ka ba? O sadyang tarantado?

Wala na ba talaga akong pag-asa sa'yo?
Hanggang dito na lang ba tayo?
Oo, na kahit masakit tanggap kung kaibigan lang kita,
At malabo mag-karoon ng tayo sinta.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Where stories live. Discover now