Tula 40: Kami ang naging Biktima

568 5 0
                                    


Bilang manunula-t nais kung ipahayag
ang damdamin ng mga biktima.
Sa mundong mapanghusga
unti-unti silang nalulunod sa bawat salitang lumalabas.

Baboy, balyena, mataba iilan lang 'yan sa tawag sa amin.
Payat o liliparin ng hangin
Bobo, dukha o panget.
Iilan lang sa mga masasakit na panlalait.
Ang bulong nila sa akin—kami ang biktima.

Sa mga nilalang na grabe makapangsira,
Sa tahimik na mundo mo kanilang tinitira,
Nais kong mag mura,
ngunit hindi ako patolera,
Sa mundo puno ng mga usosera
Ang bulong nila sa akin,
Kami ang biktima.

Sikat man o ordinaryong nilalang
hindi ka nila igagalang.
Mga mata nila kung tumingin ikaw ay tinutusok.
Bibig sa bawat bigkas ay nakakatusok,
Ang bulong nila sa akin,
Kami ang biktima.

Sa mundo ng social media nakatago
o 'di naman kaya nasa palibot mo lang ang mga gago.
Ang inyong pag-katao dinudungisan.
Ikaw ang siyang hinuhusgahan.
Ang bulong nila sa akin
Kami ang biktima.

Oo, biktima kami,
Biktima kami,
Hindi alam ang gagawin,
Dito sa mundo namin.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Where stories live. Discover now