Tula 79: Babae sa Aparador

227 2 0
                                    


Madalas siyang nakatago sa liblib na espasyo ng aparador,
Habang patay sindi ang bentilador,
Itim ang pangunahing kasuotan,
Habang mahigpit na yumayakap sa kadiliman.

Tagaktak ang pawis sa kanyang katawan,
Pero mas matingbang ang sakit na kanyang nararandaman,
Nakakasal man habang nasa loob siya,
Sa mundo si'ya lage ang puntirya.

Tik-tok-tik-tok namamayani ang tunog ng orasan,
Umaalingawngaw naman ang kanyang impit na iyak dala ng mabigat na kalooban,
Ninais mag-tago na lamang,
Ang babaeng lubos nagsisi kung bakit siya sinilang.

"Iris, ano ba ginagawa mo riyan?"
"Oo nga Iris ang weird mo talaga"
"Napaka wala mong silping bata ka"
Pikit mata na lang ako habang dinadama bawat pag bitaw ng kanilang lason.
Ang babaeng ito tuloyan ng hindi makahaon.
At pipiliin na lamang mag kulong sa aparador.
Hawak nang mahigpit sa sarador.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon