Tula 14: Ikaw at Ako sa dulo (part two)

1K 7 0
                                    

Boy's Point Of View:

Pero hindi hadlang ang distansya sa ating dalawa,
Sulatan sa bawat isa ang naging komunikasyon,
Malayo man ang agwat,
Napupunan naman ito sa bawat sulat.

Ngunit tayo ay sinubukan ng tadhana,
Tinaboy ka at sinabihan nang masasakit na salita ng aking pamilya,
Habang ako naman umalis sa amin
tumira sa sasakyan at nabaril.

Siyam na taon na walang komunikasyon,
Pero umaasa ako na mayroong pa rin tayo,
Sinta labis ang aking saya sa pag- babalik,
Ngunit tuloyan na warak ang aking puso ng aking malaman ikaw—ikakasal at may anghel na sa 'yong buhay.

Oo, sobrang sakit nga akin sinta,
Ang lupit mag-laro ng tadhana
napakagaling ang galing-galing,
Puso ko sobrang nabasag at dugoan
ngunit patuloy at patuloy parin kitang mamahalin.

Akala ko tapos na tayong pag-laroan ng tadhana,
Pero hindi pa pala,
Kinakasama mo ay isang pa lang napakalaking gago,
Kaya nag-desisyon ka na ito hiwalayan sinta.

Hindi inaasahan na makakatanggap ng friend-request galing sa'yo.
At may kasama pang mensahe:
Nakakatuwa dahil ang ating pag- kikita ulit ay kagagawan ng 'yong anghel.
Nag-kausap at nagkaroon ng pag-asa.
Marami man tayong pinagdaanan,
Sinubok man nang husto ating samahan,
Pilit man sinara ating pag mamahalan,
Ngunit sinta gagawa at gagawa ang tadhana nang paraan upang ikaw at ako sa dulo.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Where stories live. Discover now