Tula 2: Pag-ibig na akala ko'y Tatagal

5K 59 8
                                    

Naalaala ko pa unang araw na tayo nagtagpo ng landas.
Nag ningning ang aking mga mata akin sinta.
Puso ko pangalan mo ang sinisigaw.
Sa presensya mo ako natutunaw.

Sa bawat araw na tayo magkasama,
Lumalala ang aking nadadama
Sa tuwing ikaw ngingiti,
Talaga naman nangangantog aking mga binti.

Boses mo ang paboritong musika,
Naalaala ko pa bawat pagbigkas mo ng lyrika,
Ang malambing mong tinig,
Sa akin nagpapakilig.

Tindig at porma mo akin ng memoryado.
Ganyan kita kamahal ako aminado,
Mahal mo ako at mahal kita,
Akala ko perpekto na akin sinta.

Pero gaya ng bulaklak pag-ibig mo sa akin nalanta,
Parang durog na durog na paminta,
Parang tsokolate na ubos,
Parang lobo lumipad at 'di na makitang lubos.

Parang panulat na wala ng tinta,
Parang wakas sa kuwento na hindi na matutuloy sinta,
Parang katapusan na liriko sa kanta,
Parang walang kulay na pinta.

Koneksyon natin sa isa't isa tuloyang na putol,
Nang iwan mo ako gustohin ko man pero hindi ko kayang tumutol,
Pag-ibig na akala ko'y tatagal,
Ito lang pala ay isang malaking sagabal.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Where stories live. Discover now