Tula 15: Mensahe ng Damdamin

1.1K 11 0
                                    

Tanaw ko ang iyong labi na may ngiti,
Nag kakulay ang aking mundo kapag tayo nagtabi,
Binigyan mo ng saysay ang aking patapon na buhay,
Dahil pinintahan mo ito at binigyan kulay.

Sa tuwing sinasabi ko na, "Ayaw ko na pagod na ako."
Binibigyan mo ako nang lakas at hindi sa akin susuko,
Sa tuwing papatak ang aking mga luha na parang wala katapusan,
Nandyan ka at handa itong punasan.

Sa tuwing wasak na wasak ang aking puso,
Nandyan ka para ibsan ang sakit na aking nararamdaman sa pamamagitan ng pag tukso,
Sa tuwing wala akong gana
Nandyan ka para higayatin ako na sa'yo sumama.

Mahal, salamat dahil nandiyan ka palagi sa akin.
Mahal, salamat dahil ikaw ang naging isa sa dahilan kung bakit ako nabubuhay sa'yo ako aamin.
Mahal salamat sa lahat ng 'yong tulong.
Mahal, salamat dahil sayo sa hawla ng kalungkotan ako hindi na nakakulong.

Mahal, sana hindi ka mapagod sa akin.
Mahal, ito ang lahat ng aking nais sabihin.
Mahal, ang lahat ng ito ay para sa'yo ako aamin.
Dahil ito ang mensahe ng aking damdamin.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon