Tula 28: Huling tinta para sa'yo Sinta

846 9 0
                                    


I.
Naka-upo lamang sa isang sulok;
Habang may lamesita at papel kung saan ako nakatutok.
Nag-iisip kung ano ang nais na paksa;
Sa panulat na malapit nang maubos. Ang tinta ng kamay ko ay magsusulat ng kusa.

II.
Tinta ng bawat tinta ay mahalaga,
Kaya kailangan isipan ang katagang isusulat,
Upang maganda ang kakalabasan,
Ano nga ba ang maaaring isulat sa huling tinta?

III.
Sa paglalakbay na aking isipan,
Sa bawat lipad ng aking imahinasyon,
Hanggang sa huling tinta ikaw parin ang nilalaman sinta.

IV.
Handa akong isugal ang huling patak ng tinta.
Maipahiwatig lang ang nakatago sa aking damdamin.
Maubos man ang aking tinta.
Pero hindi ang pagmamahal ko sa'yo sinta.

V.
Maging putol-putol man ang aking pagsusulat.
Dahil tinta malapit nang maubos,
Pero lagi mong tandaan mahal kitang lubos,
Sa bawat pagsulat hindi man maging klaro,
Pero ang pag-ibig ko sayo ay hindi isang laro.

VI.
Ganyan ka kaimportante sa akin sinta;
Na kahit sa huling laman ng aking panulat.
Ikaw parin ang naging piyesa;
dahil ang huling tinta ay para sayo lamang sinta.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon