Tula 47: Sino yang kasama mo?

537 2 0
                                    


Naalala ko noong bata pa ako—dama ko ang lamig na yumayapos sa akin.
Nag-lalaro ako ng manika sa labas ng bahay.
"Chandy" isang tinig ang tumawag sa akin sabay lingon kung saan ang kinaroroonan ng boses
"An--te--ee, Sino yang kasama mo?" Hindi ako bulol sadyang nauutal lang ako.

"Sino yang kasama mo?" tanong ko ulit may batang nakahawak sa kamay ni ante.
Isang batang naka puti, may sugat ang kanyang mukha puno ito ng bubog at nakakakilabot dahil nakangiti siya sa akin.

"Ano ka ba naman Chandy kung ano- ano pinagsasabi mo tara na nga sa bahay ninyo."
Ang sagot mo sa tanong ko na tila ba pati ikaw ay nangangamba rin.
"Si--Sige" nag-kibit balikat na lamang ako at hinawakan ang iyong kanang kamay.
Hindi alintana ang nakakatakot ng tingin ng batang lalaki sa akin.

Makalibas ang araw, buwan pati na rin taon.
Ang batang lalaki ay nanatili sa aking silid-tulogan.
Oo, nakakatakot man ngunit nasanay na ako kalaunan.
Na may isang batang lalaki sa ilalim ng kama ko.
Minsan nga tuwing hating-gabi naririnig ko ang hikbi niya.
Nanlilisik ang kanyang mga mata minsan nga ay tumatabi siya sa akin
habang may mga dugo na umaagos at nakangiti sa akin na parang demonyo.

Hanggang naisipan kung mag-lakad,
Nakasalubong ako ng batang paslit,
Nanlaki ang kanyang munting mata sabay tanong;
"Sino yang kasama mo?"

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz