Tula 31: Matematika

971 9 0
                                    

Makita ko lang ang iyong pangalan,
Hindi na maipaliwanag ang nararandaman,
Madami sayong naiinis,
Dahil napakahirap mong intindihin
yan ang sinasabi ng karamihan,
Napaka-komplikado,
nakakahilo,
Napapa "huh! Ano raw?" na lang kami.

Siya si Matematika ang pinagkaitan ng pag-mamahal ng madla.
Nais lang naman niya sa'yo tumulong bigyan ng aral sa buhay na magagamit mo sayong pag-lalakbay.
Gusto niya lang ikaw gumaling sa pag-harap ng problema sa buhay
maging madiskarte at hindi agad- agad sumusuko.

Na kahit ano kahirap iyong malulusatan—ngunit ang 'yong sinukli sa kanya,
Ang walang katapusang reklamo
pag-mumura at pag babalewa sa kanyang kahalagahan,
"Na saan si Matematika?" aking tanong.
imbis ng sagot ay hikbi aking narinig.

Ayun siya nasa sulok kaharap ang pluma at kuwardeno,
Agos ng luha nakakalunod,
Sinilip ko ang kanyang ginagawa,
Isa pa lang tong pormula kung paano siya mamahalin ng madla.

Kwento ng Manunulat (Poetry Collections)Where stories live. Discover now