17 That Night

39.8K 1K 30
                                    

Bree POV

Pagkababa pa lang ng kotse ay dumeretso na ako agad papasok ng bahay at nagmamadaling umakyat ako sa kwarto. My mind kept replaying to that kiss. The way Eliza held his shoulder and peck his cheek and the way Clyde's cheek reddened because of that kiss. I just wanted to shout in frustration. Never have I ever felt this intense desire to slap a girl's cheek.

That freaking ex who doesn't know how to keep her hands to herself!

Agad akong dumeretso sa banyo at naligo. I tried to calm myself at the bathroom. Gusto ko pagkalabas ko ng banyo ay bumalik ako sa dati, the cold and unfeeling Bree Montecillo. Sa sobrang inis ko ay nakalimutan ko ng magdala ng pamalit ko. Inis na itinapis ko ang kakarampot na towel sa katawan ko pagkatapos kong maligo at lumabas.

Clyde is sitting on his couch and drinking his whiskey. I noticed that every night he would sit on that same spot and have his wine or whiskey before going to sleep. Pampatulog marahil ng lalaki ang gawaing iyon.

Muntikan ng mabitawan ni Clyde ang baso ng alak niya pagkakita sa akin na tanging tuwalya lamang ang suot. Nasambot lamang niyang muli ang baso bago pa iyon tuluyang mahulog sa sahig. Nakanganga si Clyde habang nakatitig sa akin. Agad din akong tumalikod at kumuha ng damit sa cabinet. Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya pagkalabas ko ng banyo pero dahil sa nangingibabaw ang inis ko ay hindi ko magawang matawa sa kengkoy niyang kilos kanina. Rinig ko ang marahang pag-ubo ni Clyde. Kinalimutan ko na ang pagsusuot ng nighties at pinalitan iyong ng pajama buhat ng lumipat ako dito sa bahay ni Clyde pero pakiramdam ko ang init ngayon, sinamahan pa ng init ng ulo ko kaya pinili ko ang isang gray na nighties, ito na kasi ang pinaka conservative na nighties na meron ako, meron itong partner na lace shorts, unlike sa mga nighties kong dress. Pumasok muli ako sa banyo at doon nagbihis.

Pagkalabas ko ay 'di ko na pinansin si Clyde, nagmamadaling bino-blower ko ang buhok ko. Tuwing ganitong gabi ay lagi akong mabilis kumilos. Ayaw ko kasing maabutan ako ni Clyde na gising pa. Pumasok na sa banyo si Clyde at naligo. Agad ko ding tinapos ang pagbo-blower ko ng buhok at humiga na sa kama. Siniksik ko din ang kumot at binalot ang aking sarili. Pinikit ko na ang mata ko at tumagilid sa kanan para hindi ko makita si Clyde sa tabi ko pati na rin ang paglabas nito ng banyo.

Ilang minuto pa ay rinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo. Tanda na tapos ng maligo si Clyde. Pinanindigan ko na lang ang kunwaring tulog na ako. Ramdam ko ang paglugdo ng kama, tanda na humiga na sa tabi ko si Clyde.

Rinig ko ang malalim nitong pagbuntong hininga at maya-maya pa ay naramdaman ko ang daliri nitong kumakalabit. I ignored it.

Pero sadyang nanunubok ata si Clyde ng biglang humimas ang kamay niya sa bewang ko, humigpit iyon at humatak. Pinilit ko pa din ipagpatuloy ang pagkukunwari kong tulog baka tumigil din ito.

Ramdam ko ng idikit ni Clyde ang katawan niya sa katawan ko. Mainit iyon, parang hindi siya naligo sa init niya. Naging malikot ang kanyang kamay. He was brushing his hand up and down my stomach. Nakakakiliti at nakakakilabot ang bawat madahang pagdama niya kaya naman hindi ko na matiis na magpanggap na tulog.

"Ano ba!" Pagalit na ani ko sabay tulak sa kamay niya. My mind is telling me to run kaya mabilis akong napabangon. I was about to do what my mind is telling me ng biglang hatakin ako ni Clyde paharap sa kanya. His hand encircled my small waist. I almost bumped my head into his naked chest. I tried to keep a small distance between us and Clyde oblige.

"Wifey, galit ka ba?" Anito sa malambing na tono habang magkatitigan kami. We are sitting face to face, both his hand holding my waist to keep me in place.

"No! Bakit naman ako magagalit?" Inis na sagot ko habang tinatanggal ang kamay nitong nakahawak sa bewang ko.

"I saw the way you looked at me at the charity ball. Kulang na lang mamatay ako sa titig mo." Anito habang titig na titig pa rin siya. Naiilang na napatingin ako sa kisame. My heart started beating erratically because of how close we are. Kahit na nakaupo pa rin ako sa kama ay napapalibutan naman ako ng magkabilang hita ni Clyde.

Bossy Bree Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon