22 Office Romance

6.6K 187 28
                                    

Bree POV

"This is all your fault! How many times do I have to tell you to keep our marriage a secret? Mahirap ba iyon!?" Inis na bwelta ko kay Clyde habang naglalagay ng gamot sa bulak para sa ilong niyang natamaan ko ng snowball.

"Ako na nga itong nasugatan mo, ako pa din ang may kasalanan?" Natatawa at nagkakamot sa ulo na ani Clyde na ikinaikot ng mata ko sa lalaki.

"At ipapaalala ko lang Ma'am na ikaw lang ang may gustong ilihim ang kasal natin. Kung ako ang tatanungin, mas mabuting ipaalam ang katotohanan dahil wala namang sikretong hindi nabubunyag. Denying the truth doesn't change the fact that we're married. If this continue, it will only lead to dishonesty and mistrust between us and I don't want that to ruin us." Clyde sounded bitter. His intense stare and serious tone is concerning. It felt like there is some story behind those bitter words that he just uttered. That he actually experienced what he just said.

"I disagree. Can you just trust me on this? The board will not understand this sudden marriage. It's better that they don't know." Bigla kong iniiwas ang mata ko at nagpokus sa paghahanap ng band aid sa first aid kit bago pa man ipagkanulo ako ng mata ko. Rinig ko ang malalim na buntong hininga ni Clyde.

"I do. I do trust you, kaya nga pinakasalan kita kahit na against iyon sa lahat ng paninindigan ko sa buhay." Mahinang ani Clyde na animo'y kausap niya ang kanyang sarili. Then he smiled at me, that sad smile that I only get to see today and I realized I hate it.

Was he disappointed because I couldn't tell everyone about our marriage?

"Stop being melodramatic and let me treat that cut." Saway ko sa binata sabay hawak sa baba niya para mapigilan na ang paggalaw ng ulo niya. Nakokonsensiyang dinampian ko ng bulak na may gamot ang pahalang na hiwa sa ilong ni Clyde habang nakaupo siya sa swivel chair ko. Napahigit ang lalaki ng hininga at napangiwi sa sakit.

I knew it was my fault. My damn temper. Dahil ng ibato ko ang snowball paper weight ko ay sapol ang binata sa matangos niyang ilong na kaagad ko din pinagsisihan. I jumped out of my chair and run just to reach him and I saw how his anger dissipated when he saw how worried I was.

"Is it still bleeding?" Mahinahong tanong ni Clyde. Namumungay ang mata niya habang nakatunghay siya sa akin. I was half sitting on the table while attending to Clyde's nose. Our faces just inches away from each other.

"Hindi na." Walang emosyong aniko kahit na ba sa loob ko ay alam kong pinagkanulo ako ng reaksyon ko kanina.

I freaking run! Goddamn me! I run just to get to him.

And I knew he saw right through me at that moment. I knew he saw how concerned I was of him.

A confirmation that I already cared for him. Napangiwi ako dahil ng iangat ko ang bulak ay halata na ngayon ang pamumula ng buong ilong ni Clyde.

"Is it that bad?" Muling tanong ni Clyde. Napailing ako kahit na ba alam kong halata na ni Clyde sa mukha ko ang sagot sa tanong niya. I busted his nose. Napatitig ako sa mukha niya na walang suot na salamin. His expressive eyes that doesn't have a hint of anger instead I can see something in there that I can't understand.

Goddamn! Why does Clyde looked so hot with that busted nose of his?! Dahil ba mas rugged ang naging itsura nito kumapara sa neat-freak look niya? Dahil ba sa magandang hubog ng labi niyang nakakaakit na halikan? O baka dahil sa well-defined jaw line ng lalaki na ang sarap hawakan?

May sariling utak yata ang kamay ko ng bigla iyong humimas sa chiseled jaw ni Clyde. Sandaling nanigas ang katawan ni Clyde kaya agad kong nabawi ang kamay ko.

Bossy Bree Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon