5 Red faced

35.3K 958 49
                                    

Bree POV

It's been a week and six days and still wala pa rin akong matinong solusyon sa problema ko. Hindi na pumasok si Clyde simula ng alukin ko siya ng pera. I have as requested a woman secretary na puro kapalpakan naman ang ginagawa. Then I realized, Clyde made my work much more easier and now I feel stress with work and also the thought that I can lose this company.

I don't know what else to do kaya namalayan ko na lang na tinatanong ko sa HR department ang address ni Clyde. And I find myself knocking at his front gate.

His house wasn't small like I expected. Katamtaman lang iyon at may nakaparada rin kotse sa garage. I knocked at the gate again but no one is answering. Nanlulumong paalis na sana ako ng mapansin ang isang dalaga sa tabi ko. A young girl is eating an ice cream, observing me from head to toe. Nginitian niya ako ng ubod tamis ng magtama ang aming mga mata, may hawig sila ni Cylde.

"Hi! Nawawala ka ba Miss?" Masayahing tanong nito sabay bato ng cup ng ubos na ice cream sa garbage bin malapit sa kinatatayuan niya. I smiled back at her and a little hope crept in my hopelessness.

"Actually I'm looking for Clyde..Clyde Santillan?" Hindi ko mapigilan ang mas lalong mapangiti. The young girl's smile is infectious.

"Ah si kuya ba? Naku! Naghahanap kasi siya ng trabaho e, pero maya-maya lang andito na iyon kasi sabi ko uuwi ako ngayon. Nasira kasi ang aircon sa dorm kaya dito na muna ako matutulog." Masayahing sabi nito. Binuksan niya ang gate nila. Mabilis naman akong sumunod pagkapasok niya.

"Oh, okay can I wait for him then?" Tanong ko na ikinatitig niya sa akin. Tinignan niya ako muli mula ulo hanggang paa at pagkatapos at ngumisi siya.

"O sige, pasok po tayo sa loob, maya-maya lang andito na din si Kuya. May dala din naman akong susi ng bahay. Girlfriend ka ba ni kuya? Ang ganda mo po ate, boto na ko sayo! " Nakangiting kwento nito habang binubuksan ang pinto ng bahay.

Ako?! girlfriend? No way!

Napangiwi na lang ako ng maalala na nagpunta nga pala ako para makiusap na pumayag siya na makasal kami!

Whatta life!

"Ako nga po pala si Althea Santillan, kapatid po niya. Pasensya na ho sa bahay ha medyo magulo. Si kuya kasi may pagka-workaholic iyon eh. Kaya napapabayaan ang bahay." Aniya habang naglalakad papasok ng bahay nila at nakasunod lang ako sa likod niya. Napaligid ang tingin ko sa bahay nila. It was bigger than I expected. And cleaner than what the young girl is saying. It's a cozy place but lacks modernity.

"Upo po muna kayo." Aniya sabay turo sa sofa nilang three-seater. I sat myself down. Habang patuloy naman sa pagkukwento si Althea.

"Madalang po ako umuwi kasi nagdo-dorm ako. Mas tipid kasi kapag doon na ko tumira malapit sa school. Hindi na din ako aalalahanin ni kuya. Minsan kasi si kuya puro trabaho na lang, pangit daw kasi ugali ng boss niya. Bawal raw siya magkamali." Anito na nagpa-ubo sa akin na hindi naman napansin ni Althea.

Ako?! Panget ang ugali? That nerd!

"Bakit ano daw ba ang pangit sa ugali ng boss niya?" Taas ang kilay na tanong ko.

"Naku ate, grabe iyang si kuya kung magkwento e, kesyo raw parang pinaglihi sa sama ng loob 'yung bago niyang boss. Demonyita raw tsaka daig pa raw ang pipi kung kumpasan siya ng kamay, akalain mo 'yun ate, 'di raw siya kinakausap at kumpas kumpas lang daw ng kamay ang ginagawa sa kanya bilang sagot." Sabi ng dalaga at dinagdagan pa ng malutong nitong tawa.

Pinaglihi sa sama ng loob?! Demonyita?! That Nerd!

"Althea!" Anas ng baritonong boses na nagpalingon sa aming dalawa. Base sa ekspresyon ng mukha nito na parang binuhusan ng malamig na tubig ay narinig nito ang kapatid na nagkukwento sa akin. Napasulyap siya sa akin at marahil dahil sa ekspresyon ng mukha ko ay mabilis din siya nagbawi ng tingin.

Bossy Bree Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon