6 His Conditions

36.3K 1K 89
                                    

Bree POV

Tumawag si Clyde makalipas ang tatlong oras, gusto nitong makipagkita sa akin. Kahit papaano ay nabuhayan ako ng loob. Kung kasi ayaw nito sana sinabi na lang nito sa tawag niya kanina. Maaliwalas ang mukha na hinarap ko siya sa napili niyang restaurant. It was a simple restaurant, one that I will never choose but still a decent enough restaurant.

Ipinag-usog niya ako ng upuan at ng makaupo ay sinabi niyang kumain muna kami. Atleast he's a gentleman. Kahit hindi mahupa ang kaba at pag-asa ko sa sagot niya ay matiyagang naghintay ako. He kept looking at me while we are eating making me feel conscious of the way I am picking at my food. Na para bang hanggang ngayon ay hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa akin.

Matapos naming kumain ay nakatingin lang ako sa kanya. Kita kong napansin niya ang tingin ko at namula siyang muli. Napapahiyang nag-iwas ito ng tingin at tumikhim...

"Ah... kasi ma'am kung...ah.. kung kasi...haist!" Hirap na hirap nitong umpisa pero matiyagang hinintay ko pa din siya muling magsalita. Bumuntong-hininga ito at muli akong tinignan.

"Ma'am sabi mo kasi gagawin mo ang lahat?" Paninigurado niya habang namumula ang kanyang mukha. Napakunot ang noo ko pero 'di ko tinanggal ang tingin sa lalaki.

"Yes Clyde, I'm willing to do anything you ask."  Buong kumpyansa kong sagot. At this point I am too desperate to even think of the consequences.

"May mga kondisyon din kasi ako ma'am kung sakali papayag ka, papayag na din ako sa kasal." sagot nito sa akin na nagpaliwanag ng mukha ko. I breathe out in relief then a small smile crept my lips.

So he will say yes! Yes!

"Name your conditions Clyde. I'd like to hear them..." I encouraged.
If he asks for half of the company... I am willing to negotiate. If he asks for a higher position... I would gladly give it to him with the exception of my position, of course. If he asks for a bigger compensation...I will oblige.

"Una, Iba kasi ang persepsyon ko sa kasal ma'am, kung magpapakasal tayo, ang gusto ko ay pangmatagalan na. 'No' to annulment, 'No' to divorce." Anito na nagpalaki sa mata ko. Hindi ko inaasahan na iyon ang magiging kondisyon niya. It caught me off guard but it's too late to even reconsider any other options. I am here to agree to his demands no matter what it is.

"Oh... okay." Sagot ko na lang. Tsaka ko na siya kukumbinsihin sa annulment. No time to argue. Tumango ang lalaki at nagpatuloy.

"Pangalawa, I don't care about your money. I can easily sign a prenup if you want. Sa totoo lang, ayoko talaga sa mayayamang gaya mo. May pagka-allergic ako sa mga ugali niyong matapobre at self-entitled. Ang tingin ng mayayaman sa mahihirap na kagaya ko ay laruan at walang kwenta." My hand balled at what he said. It's a prejudice against rich people in general, but not all rich people is like what he said. Some are humble and good-natured. I wanted to curse at him for saying those things pero pinigil ko ang kinakati ng dila kong sabihin. I even bite the inside of my cheek to stop myself from cursing.

Ano bang hugot ng lalaking 'to?! Mukha siyang inabuso ng mayaman kung magsalita! As if naman! Hindi siya ka-take advantage of! Dahil wala namang ikaka-take advantage sa kanya!

"Alright." Maikli at nagtitimping sagot ko. I agree to have that prenup also.

"Pangatlo, kung magiging asawa kita, gusto kong titira ka sa kondisyon ko. Sa paraan ng pamumuhay ko, sa bahay ko at sa kaya kong ibigay sa'yo. Alam ko, mayaman ka ma'am pero ordinaryong tao lamang ako. Kaya iyon lang ding ordinaryong buhay ang kaya kong ibigay sa'yo." Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin pero tumango-tango na lang din ako. I can oppose and negotiate after he signed the freaking marriage contract.

"I accept." Muli ay maikling tugon ko.

Pang apat, ahhh... Kasi ma'am kung... ahhh... Gusto ko sana magka-anak din kaya... kaya... alam niyo na." Namumulang pahayag nito na nagpatulala sa akin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Did he mean....

"Are you saying, you want to consummate the marriage?!" Natitilihang tanong ko sa kanya. Halos mapaos ang boses ko sa pagkagulantang. Mabuti na lamang at sa pinakadulo kami ng restaurant kaya walang nakarinig sa medyo napalakas kong boses.

"Ma'am, kayo nga kasal ang hinihingi e... ako anak lang! Fair din siguro iyon! Alangang mag-anak ako sa iba, natural sa magiging asawa ko!" Sagot nito na nagpabilog pa lalo ng mata ko.

What the heck?! This nerd is asking for too much!

"That condition is insane! I agree to the first three conditions but not the last one!" Naiinis na sagot ko sa kanya. He slightly nodded.

"Well, I told you ma'am if you agree to my terms then we'll marry, if not, it's your choice. Take it or leave it." Sagot nito na lalo  nagpasalubong sa kilay ko. All I wanted is to smack him hard at the face. Humugot ako ng malalalim na hininga, pilit kong pinakakalma ang sarili ko. Binalikan ko ang mga pros and cons. And still the cons outweigh the pros. I have much of a bigger losses if I don't marry this idiot. Nakatingin lang sa akin si Clyde at naghihintay.

I'll face it when the time comes...as of this moment I am pressed with time on how to save the company. There is no more time to slack. The deadline is tomorrow.

"I agree." Matapang kong sagot sa kanya. I saw him  genuinely smiled at me but smiling is the least I could do. Sinimangutan ko siya. He looked like he is pretty serious with his laid out conditions and he didn't say it just to make me back out.

"Okay ma'am! pa-draft ko sa lawyer niyo ang agreement natin at magpapakuha ako ng marriage license na rin. Bale, gusto ko sana dito kay Judge Masangkay makasal. Magpapa-appointment po ako ng umaga, para abot na din tayo sa deadline. Huwag po kayong mag-alala kaibigan ko po iyon kaya makakasal po tayo agad. Tsaka tatawagan ko na rin po si Atty. Caliente to advise him of our plans." Anito na tinanguan ko lang lahat. Hindi ako makapaniwala na lahat ay planado na din niya. Even the man who will marry us. Mukhang pinag-isipan talaga ng binata iyon sa loob ng tatlong oras na binigay ko sa kanya. Sobra sobra pa! Dahil pati anak ay napagplanuhan na niya!

Then his words came back to haunt me..."Pakakasalan ko lang ang babaeng habambuhay ko na pong makakasama." Bigla akong kinalibutan sa pag-alala ng sinabi nito. Pinilig ko ang aking ulo para alisin sa isip ko ang mga ala-ala ng mga salitang sinabi niya.

"Tell me if you can finish all of it and if you need my help." Tanging nasabi ko na lang.

"May isusuot ka na ba para bukas o gusto mo sabihan ko si Tiffany?" Tifanny is my personal shopper because I don't have time to buy my corporate suits myself. Ayoko namang pati ang personal shopper ko ay makaalam na ikakasal ako bukas. Everything must be a secret.

"No..no... Don't bother her. Do I... Do I have to wear white?" Nahihiyang tanong ko sa kanya na ikinangiti naman nito.

"Syempre ma'am para naman maganda tayo sa picture." Sagot naman nito na ikinairap ko na lang.

Damn! Am I really getting married tomorrow?!

Gusto kong magsisigaw ng protesta at magpakalayo-layo. But it's not me to run away from problems. I face problems head on.

Pagkatapos namin mag-usap ni Clyde ay mabilis din akong nagpaalam sa lalaki. Nakahinga na ako ng maluwag ng makapasok ako sa kotse ko. I always felt suffocated whenever Clyde is near me and the fact that we will be living in the same roof and I agreed to  consummate the marriage, scares the hell out of me!

Bossy Bree Where stories live. Discover now