I'll do it for my family at kapag bayad na ang lahat ay magfafile ako ng annulment para sa kasiyahan naming dalawa ni Steve. Siguro hindi ko man mahanap kay Blue ang kasiyahang iyon ay sigurado naman akong may darating na para sa 'kin.

After ng breakfast with Steve's family ay bumalik na 'ko sa kwarto ko.

Ilang oras ang lumipas at nagising ako sa katok na nagmumula sa pintuan. Four hours before the wedding ang naging preparation para sa 'kin. Lumabas akong nakarobe lang at pumasok sa kwarto kung saan ako memake-upan. Nasilayan ko rin ang damit ko sa gilid ng kwarto and somehow, the sight of it made me smile. Tulad ng dati kapag nakikita ko ito ay nilalapitan ko 'to. Gandang-ganda ako sa damit nang mahawakan ko ito, I even hugged its base and feel its crystal shaped beads.

"Ang bongga ng gown niyo maddame" puri ng gay na make-up artist ko. "Siguro ay mahal na mahal kayo ng magiging asawa niyo para iprovide ang ganyang kaeleganteng wedding gown" dagdag niya pa na may paghanga sa mga mata. Ako naman ay natawa na lang sa sinabi niya bago siya niyayang magsimula.

Mga isang oras din kaming nagkwentuhan bago niya talagang simulan ang trabaho niya. Sa una kasi ay buhok lang ang ginalaw niya, ang sabi niya pa ay napaka-aga naman daw ng preparation ko sa sarili eh 6:30pm pa naman daw ang kasal at alas dos pa lang daw ng hapon.

"Pa'no kung ayaw mong magpakasal sa taong magiging asawa mo, itutuloy mo ba?" biglaang tanong ko habang busy siya sa mukha ko.

"Wedding jitters?" tumango ako bilang sagot at tiningnan niya naman ako sa mga mata.

"Sa dami ng naging costumer kong galing sa mayamang pamilya ay alam ko na kung sino ang arrange at hindi" saglit na napatahimik at napatigil ako sa pag-iisip nang lumabas iyon sa bibig niya. "At tulad ng sabi ng mga namake-upan ko, kailangang unahin ang dapat unahin bago ang sarili" sa idinagdag niya pang pahayag ay hindi ko naman mapigilang maisip ang sinabi sa 'kin ni Blue.

"I love you pero may mga bagay tayong kailangang unahin"

Napapikit ako ng mariin dahil doon, tama nga naman siya, sila. Ano ng mangyayari sa pamilya ko kapag tinakbuhan ko ang responsibilidad na tinanggap ko.

"Sana ako'y nakatulong kung ika'y nagdadalawang isip pa" ngumiti na lang ako kay Jenry, pangalan ng make-up artist.

Matapos akong make-upan ay isinuot na rin sa 'kin ang gown ko. Kung dati ay hirap na hirap akong isuot dito, ngayon ay ang dali na lang dahil medyo magaan ang loob ko.

"Hair na lang ang aayusin, ulit" wika ni Jenry at muli akong ihinarap sa salamin.

Simpleng ponytail lang ang ginawa niya for my hair, ang kaninang ginawa niya sa buhok ko ay eksperimento niya lang pala. "Stand up and walk with confidence maddame" maarteng sabi nito at inilahad ang kamay niya nang makatayo ako. Nagsipasukan rin ang kapatid at parents ko at niyakap ako. Si dad ay naluluha pang yumakap sa 'kin dala ang pinaghalong lungkot at saya na ginawaran ko lang ng ngiti. Feeling ko nga ang lakas lakas ko ngayon dahil nagagawa ko pa ring ngumiti kahit dala ang sakit sa loob ko.

"Wow ate, just wow" puri ng kapatid ko sa 'kin at yumakap rin before taking a selfie with me.

"Sige na, anak aalis muna kami para icheck ang lahat kung maayos na ba" sabi ni mama at tumango naman ako bago humalik sa pisngi nito.

"You look like your mom" pahobol ni papa at nagpunas pa ng luha.

"Pa... you're so gaaay" Mom whined at mahinang hinampas sa braso si papa.

"You can't blame me, I'm the first man who loved her first before anyone in this world"

"Sige na papa, ang puso mo" biro ko rito at nagtawanan naman kami.

Sunod na pumasok ng kwarto ko ay ang dalawa kong kaibigan. "Ang ganda mo, pero mas maganda ako" maarteng wika ni Ericka and flipped her hair.

"Parang pinaghandaan ah, pero nung bridal shower niya panay naman ang iyak no'ng wala nang tao" pang-aasar ni Janice at nakisabay naman si Ericka sa pagtawa nito.

"Lumabas nga kayo" umirap ako sa kanila, papasok lang ba sila rito sa silid ko para mang-asar?

"We love you girl.." sabay nilang sabi at yumakap pa sa 'kin.

"Grabe ang ganda-ganda mo, selfie tayo para maambunan naman ako ng kasikatan ng kasal mo" nagpose siya sa gilid ko at ilang shots lang ay nakisama na si Janice sa 'min ni Ericka.

"Famewhore bitch" sabi ko rito at ginantihan lang ako ng irap.

"Ilalivestream daw ang kasal mo" seryosong pahayag ni Ericka na dahilan ng pagbuka ng bibig ko. "Joke lang friend" pagbawi nito at nahampas ko naman siya.

"I hate you!" she just giggled at me and yumakap din agad.

"Sige na lalabas na kami, may naghihintay ring makapasok dito eh" naiinis na sabi ni Janice, sa nakita kong face expression niya ay umakyat naman ang kaba sa sistema ko. She only use that expression kapag si Blue ang usapan, yung inis na inis tapos biglang iirap.

"Okay.." humalik ako sa mga pisngi nito bago sila umalis.

Ilang sandali akong naghintay, at nang may dahan-dahang kumatok sa pinto ay mas pilit namang kumakawala ang puso ko sa dibdib ko. Si Jenry ang nagbukas niyon at nang makita ang tao na nasa pintuan ay napatigil lahat sa paligid ko, bumagal lahat at wala akong marinig ngunit napakalinaw niya naman sa paningin ko.

"Leave us for a minute" sabi nito nang saktong makabawi ako. Tumango si Jenry dito at agad namang lumapit ang huli sa 'kin.

"You're gorgeous as ever" she looked at me from head to toe at naglakad papalapit sa 'kin. "Just like your wedding song... you look so beatiful in white" bitterness is in her tone, at hindi ko naman matumbok ang ibig sabihin niya.

"Why are you here?" I asked instead. Ayoko ng ginagawa niyang pagpuri sa 'king puno ng sinseridad, it just makes me fall for her even more.

"'Cause I wanna be with you before you tie a knot with Steve"

I smirked at her answer, iniisip kung bakit ba kailangan niya kong pasakitan bago ang pangyayaring makakapatay sa katinuan ko.

"Love" pumikit ako ng mariin nang maglapat sa magkabilang balikat ko ang mga palad niya. Para akong narelax sa hawak niya ngunit nawala rin iyon nang maalala ang pamimilit niya sa 'kin. But still, I kept my mouth shut. Pinakikiramdaman ko lang siya dahil kahit ano namang kasalanan ang nagawa niya sa 'kin ay hindi ko maikakailang mahal na mahal ko siya. "I'll wait for you, forever" sabi nito at ginawaran ako ng munting halik sa labi. Nakita ko ang pagpatak ng luha niya bago tuluyang tumalikod, as much as I want to grab and hug her ay pinigilan ko. It's not the right thing to do right now. I know someday makakalimutan niya rin ako.

An hour before the wedding ay nagpasya na silang ayusin ang mga sasakyan. Tinulungan ako ng mga staffs na sumakay sa isang white mercedes benz C180, at nang maiayos ang lahat ay pinaandar na rin ng driver ang sasakyan.

Tapping on my phone for no reason, bigla akong nilamig. Hindi ko ba alam pero kinakabahan talaga ako na ewan. What if takbuhan ako ni Steve? Kahit ayaw kong makasal sa kanya ay ayaw ko namang mapahiya sa harap ng ibang tao.

Sumagi rin sa isip ko, bakit ko nga ba dala itong cellphone ko, wala naman akong  paglalagyan nito. Sa kaba at wala nang magawa sa sasakyan dahil sa bagal nitong magpatakbo ay naglaro na lang ako sa phone.

Maya-maya pa'y nagring ang phone ko at kasabay niyon ang pagtigil ng sasakyan, sa gulat ay wala sa sariling napatingin ako sa harapan at wala na sa paningin ko ang mga kasunurang sasakyan para sa kasal.

"Manong asan ho sila?" nagtatakang tanong ko pero bago ako sagutin ni manong ay may humila na sa kanya palabas ng sasakyan, maging ang pinto sa gilid ko ay bumukas rin, at sumabay do'n ang pagring ng phone ko, na nakakuha rin ng atensyon ko.

"Anong gagawin niyo-hmff" isang babaeng nakatuxedo ng black ang naglagay ng panyo mukha ko dahilan para mawala ako sa sarili saglit. Sa isip ko ay parang umikot ang paningin ko, maging ang harap ng cellphone ko ay nakikita ko pa rin na hawak ng babae sa paningin ko.

"Jessey"

---

O.O o.O omg! Jessey😍

Thanks for reading❤

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now