"Malapit na eh. Bukas nga bridal shower na ni Alexa" agad nitong inistraight na inom ang laman ng baso niya bago tumingin sa dance floor sa baba ng bar.

Ako naman ay napatahimik lang. Kahit ang ingay sa paligid ay hindi ko rinig at ramdam. Para akong nakalutang sa isiping kailangan kong masaksihan ang kasal niya.

"Blue, wala ba talaga?" nagsusumamo ang mga mata ni Stella nang humarap ako sa kanya. Lingid sa kaalaman niya'y alam kong patuloy pa rin silang nagkikita ni Steve kaya alam ko ang sakit na nararamdaman niya.

Isang iling ang sagot ko at uminom ng tubig habang pilit na inaalis pa rin sa isip ko ang pagkatuso ng ama ko.

"I told you to stay away from her" bungad sa 'kin ni papa nang makauwi ako.

"What?" ngumisi siya sa 'kin na ikinataas ng pagtataka ko sa isipan.

"I have my ways, Ellise" pagsagot niya ng tanong sa isipan ko. Pinasundan nga ako nito.

"Papa, mahal ko siya" pag-amin ko rito. Nilapitan niya 'ko at iniangat ang baba ko para magkatitigan kami.

"Since when?" hindi ko maaninag ang galit sa mga mata niya dahilan para maging kampante ang kalooban ko. "Mukhang bago mo lang naman 'yan naramdaman kaya itigil mo 'yan hangga't kaya mo" seryosong pahayag niya at lumihis ng tingin saka namaywang.

"Pa, please" I'm so close to beg when he turned to face me. I got a stern 'no'

"I can't accept that" reklamo ko.

"You should. Alam mo kung anong kaya kong gawin" bantang sagot niya naman na ikinatigil saglit ng paghinga ko.

"Papa, pa'no ako?" A tear fell from my eye, at pagkatapos niyon ay may mga kasunod pa. Hindi ko maisip na paggising ko isang araw, wala na siya sa 'kin. Yung pangarap naming hotel, lahat..

"Hindi siya para sa 'yo at alam mo 'yan simula pa lang, hmm? Now, go to your room" wala sa loob na naglakad ako paakyat ng hagdan patungo sa kwarto ko. Parang alam ko na ang isasagot ko sa kanya kapag nagtanong na naman ulit siya tungkol sa 'min.

"Blue, galaw-galaw naman" tapik sa 'kin ni Lei gamit ang malamig na baso ng alak. Gustuhin ko mang tumanggi pero hinahanap naman 'to ng isip ko para saglit na makalimot.

"So Stella, anong gustong gift ng kapatid mo sa birthday niya?" rinig kong tanong ni Lei sa katabi ko.

"Namumroblema ako rito tapos dadagdag ka pa?! Tumigil ka dyan ha, mapapatay kita" natawa ako bigla nang mapasimangot si Lei. After several shots ay sumali ako sa asaran nila.

"Lei, she's just fifteen" asar ko rito at tumawa.

"I love her" seryosong sagot nito sa 'kin at umiling-iling pa. "Tsaka, lapit na siyang mag-eighteen" masaya pang dagdag nito na ikinailing ko rin. She's really inlove with Stella's little sister. Kita iyon sa ngiti niya ngayon.

"Ewan sa 'yo, tigil-tigilan mo yung kapatid ko ha" saway ni Stella at hinampas pa ito ng mahina gamit ang bote.

Ilang saglit kaming lahat natahimik at maya-maya'y nakuha ng dance floor ang atensyon namin nang may maghiyawan doon.

"Fuck" inis kong sabi nang makita kung sino ang sumasayaw, ilang segundo rin ay naramdaman ko bigla ang hawak ni Stella sa 'kin.

"Hot" puri ni Lei kay Alexa na nakasuot ng white crop top at ripped denim short shorts na tinernohan niya ng boots.

Habang nakikita ko siyang sumayaw sa dance floor ay unti-unti ring dumadagdag ang pagkamiss ko sa kanya, dati rati ay sabay kaming sasayaw habang nakahawak ako sa beywang niya. Bumalik na lang ako sa upuan ko, hindi ko kayang makita siyang hawak ng kung sino-sino at baka hindi ako makapagpigil.

Loving The Cold Blue (GxG)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ