"Sus.. ako pa binola mo" masuyo kong inilayo ang mukha niya na parang hindi ako naniniwala sa sinasabi niya.
"How's your day, love?" out of the blue-ng tanong niya sa 'kin, ayaw na atang makipagkulitan.

"It's good" kaswal kong sagot at inayos pa ang uniform ko.

"Hindi ka rin minamanyak ng instructors niyo?" umiling ako sa tanong niya. She tucked my hair beneath my ear bago ako tiningnan sa mga mata. "May mangmanyak lang sa 'yo.." tinaas ko ang isang kilay ko para malaman kung anong gagawin niya. "Ibibitin ko siya patiwarik sa puno na maraming langgam" natawa ako sa kanya kahit seryoso siya akala ko sasapakin niya lang eh. "Hindi ka ba tinamad sa start ng class?"

"Nope. Pero ako alam ko tinatamad ka" sagot ko na nagpangiti sa kanya ng nakakaloko. Sabi niya sa 'kin magseseryoso na siya dahil may reward siya sa papa niya kapag mataas grades niya pero iba naman ang ginagawa. "Kala ko magtitino ka?" tanong ko pero tawa lang ang naging sagot niya.

"Sa totoo lang.. nakatulog ako kanina" nanlaki ang mata ko sa sagot niya and again, nakurot ko na naman siya.

"Williams!" I exclaimed but she just smiled and make me calm by rubbing my back.

"I'll never do it again"

"You should, kid" pagbabanta ko at itinaas ko pa ang hintuturo ko.

Ilang saglit lang ay tinawag na sila para maghuddle, maya-maya pa ay hinati na sila sa dalawang team at pinaalis ang mga maliliit na road cones na nakakalat sa court.

Pinapanood ko lang siyang maglaro and the whole time ay mas lalo akong naiinlove sa kanya. It's not the first time na napapanood ko siya but the feeling is seems it is. Whenever she's down sa laro ngayon dahil sa missed shots niya ay titingin agad siya sa 'kin at sisimangot, parang nagsosorry and ako naman ay sign lang na sign na okay lang and she must go on tapos ngingiti na siya. Ang cute ng Williams ko..

Ilang minuto rin akong naghintay until tinawag na sila para maghuddle ulit. Kita kong sabay-sabay na nagsipuntahan ang mga teammates niya sa kanilang mga bags at niligpit ang mga ito, hinanap naman ng mata ko si Blue at nakita siya with a familiar girl at nang marecall ko kung sino iyon ay nanggalaiti ako at parang gusto kong bumaba.

That snake!

Sa nakikita ko ngayong pakikipag-usap niya kay Blue ay mas lalong nag-init ang dugo ko. Ano na kayang pinagsasabi niya sa mahal ko at tuwang-tuwa siya?

Maya-maya pa ay pinunasan niya ng pawis si Blue na dahilan ng pagligpit ko ng gamit ni Blue at bumaba papunta sa kanya.

I cleared my throat nang ilang hakbang na lang ako sa kanila. Sweet na sweet 'tong Anne na 'to, gusto yata ng ambulansya eh.

"Una na ako, Anicka.." sabi ni Blue na parang nahalata ang inis sa mukha ko. Hindi niya na rin hinintay ang sagot ni Anne at hinila na ako papuntang shower room nila.

"Bakit mo 'ko hinila?" inis kong sabi at ayaw magpahawak.

"Mukha ka kasing sasabak sa gyera" hindi siya makatingin sa 'kin, natakot ko yata.

"Talagang sasabak ko sa gyera, gegerahin ko 'yong babaeng 'yon! At ikaw?! Nagpapahawak ka rin do'n!" inis kong sabi ng mahina sa kanya nang makalayo kami.

"Hindi ko naman alam na pupunasan niya ang pawis ko eh, nagulat na lang din ako" tiningnan ko lang siya bago ako dumiretso ng lakad. Naiinis ako na may gumagawa ng trabaho ko.

"Maligo ka na, bilisan mo ha?" tumango siya sa 'kin at naglakad papasok sa isang bakanteng shower. Ramdam ko pa ang tinginan ng mga kasamahan niya nang makita kaming nagtatalo habang naglalakad papunta sa mahabang upuan kanina.

Loving The Cold Blue (GxG)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن