"Wag ka nga maingay, pinagtitinginan na nga tayo eh" lumingon-lingon pa siya sa paligid para i-check kung may tumitingin pa sa 'min. Ako naman ay kalmado lang na nakatingin sa laptop niya. Medyo mababa ang grade ko sa kanya, pero okay lang para matigil na yung ibang hanggang ngayon ay hindi pa makamove-on sa 'min ni ma'am sexy kapag nalaman nilang mababa ang grade ko rito.

"Satisfied ka na dyan?" tanong niya pa.

"Ikaw ba?" I gave her my famous playful smile saka bumaba ang tingin ko sa dibdib hanggang sa pinakaiingat-ingatan niya kaya nahampas niya tuloy ako na ikinatawa ko lang. Buti at marunong ako magpigil ng pagtawa ng malakas kundi ay tsismis na naman ang aabutin namin.

"Blue! Mahal ko ang trabaho ko" galit niyang bulong. Ako naman ay ibinigay ang assignment ko sa kanya, sabi niya kasi ay gawin ko iyon at siya na ang bahala sa grade ko. Sigurista kasi siya masyado, baka daw magduda ang iba na ipinasa niya ako eh ilang beses lang naman akong pumasok. Baka daw kasi hanapan siya ng kung anong proof kaya ayan, halos lahat ng namissed ko sa kanya ay pinasagutan niya sa 'kin, mostly essay pa.

Tumingin na lang muli ako sa screen ng laptop niya at ngumiti. "Okay na 'yan ma'am. At least pasado" sabi ko at sumaludo muna ako sa kanya saka lumabas ng faculty room nang tanguan niya ako.

Naglalakad na akong mag-isa papuntang parking lot nang may umakbay naman sa 'kin.

"Ano, pasado lahat?" boses pa lang ay agad nang kumunot ang noo ko. Ang asungot na si Lei. 

"Ako pa ba?" sabi ko na lang at tinanggal ang pagkaka-akbay niya sa 'kin.

Napangiti pa ako nang makita si Stella sa gilid niya. Agad akong lumapit sa kanya saka siya inakbayan.

"Hi 'by" bati ko rito at hinalikan sa pisngi. "Lunch date tayo" pangyayaya ko ngunit hinila siya sa 'kin ni Lei at inilagay sa gilid niya.

"Kami may date ngayon!" pinanliitan niya 'ko ng mata saka hinapit si Stella, hayop na Lei 'to wag niya sabihing may gusto siya kay Stella ko! Bubulagta talaga siya ngayon din!

"Napapansin ko, lagi kayong magkasama" nagseselos na wika ko, nakakainis! Close na close pa sila.

"Nagpapalakas kasi ako dito kay Stella, ang chics kasi ng kapatid niya-Aray naman!" parang nag-iimagine niyang sabi nang batukan naman siya ng baby ko.

"Lei fifteen years old pa lang ang kapatid ko!" hinampas pa ng isang beses ni Stella ng bag niya si Lei bago naglakad muli.

"Kala ko ba straight ka na?" pang-aasar ko kay Lei, natatawa ako ngayon sa itsura niya.

"Sa ganda ng kapatid ni Stella, 'di na 'ko straight ulit 'no" nang marinig ni Stella iyon ay hinampas niyang muli si Lei.

"Kalma na 'by" sabi ko nang akbayan ko siya.

"Pa'no ako kakalma eh may kilala akong obsessed sa kapatid ko, naku mamaya kung anong gawin niya do'n!" wika niyang nakasimangot at pinandilatan pa si Lei ng mata.

"Stacy... Stacy... stay with me" paulit-ulit na chant ni Lei na ikinatawa ko lalo. Baliw na baliw siya kay Stacy na kapatid ni Stella.

"Kita mo 'yang kaibigan mo! Nakuuuu ang sarap i-staple ng bibig, naririndi ako tuwing kinakanta niya 'yan" nanggagalaiti niyang sabi sa tabi ko.

"Bestfriend mo rin kaya 'yan" komento ko pagkatapos kong humalakhak.

"Hoy Williams, huwag na huwag mo 'yang hahayaang ipagpatuloy ang nararamdaman sa kapatid ko! Bigyan mo 'yan ng maraming lalaki o babae" galit na utos niya sa 'kin na akala mo'y pinagbabantaan ang buhay ko. Ang cute hahaha!

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now