On the way to my car ay bigla naman akong nakaramdam na maiihi na ako. So no choice ako kundi magpaalam kay mama na mauna na sila at babalik lang ako ng building para umihi.

Nang makarating ako ng cr ay kumuha agad ako ng tissue at dumiretso na sa cubicle. Inilapat ko yung tissue sa bowl saka umupo rito para umihi na. Nang matapos ako ay sakto namang may nagbukas ng pinto at pumasok. Since wala naman akong pake kung sino iyon ay lumabas na ako sa cubicle ko at nagkabanggaan pa kami nung pumasok kanina.

Magsosorry na sana ako nang maamoy at makita ko kung sino ang nakabanggaan ko. "Hinanap kita sa buong shop kanina wala ka do'n" at dahil inis pa rin ako sa kanya ay hindi ko siya pinansin at nagtangkang lumagpas sa kanya. "at saan ka pupunta?" sabi niya nang gumilid siya para harangan ako.

"Uuwi" tipid kong sagot at magtatry na naman sanang lagpasan siya kaya lang gumilid na naman siya.

"Saglit lang, hintayin mo ako. Wiwiwi lang ako" sabi niya at binitiwan ang kamay ko bago tumakbo papasok ng cubicle.

Ako naman ay mas lalong nainis dahil sa pagkainsensitive niya kaya nagpasya akong iwan na lang siya sa loob at nagmadaling pumunta ng kotse ko. Nakakainis hindi man lang ako suyuin! Daing ko nang makapasok ako sa sasakyan ko. Pabalya ko ring itinapon sa shotgun seat ang bag ko, parang walang pakialam kung mabasag man ang mga make-up ko roon.

"Bakit ano ka ba niya?" Asar naman ng utak ko sa sarili ko kaya mas lalong nag-init ang ulo ko at inis na nagmaneho palayo.

Saktong magred lights at maihinto ko ang kotse ko nang magring naman ang phone ko. Dali-dali ko itong kinuha, baka si Blue kasi pero unregistered number naman ang nasa screen.

Sinagot ko na lang ito at inilagay sa tainga ko.

"Hello" lalaki ang sumagot and I'm figuring out kung sino naman ito.

"Yes, sino po sila?" magalang na wika ko kahit inis na inis ako sa oras na 'to.

"Nico... Nico Villaflor remember, Sweety?" nakailang mura ako sa isipan ko at napa-OH MY GOD pa sa kanya na ikinatawa niya naman sa kabilang linya.

"Really? *my goooosh... Whe-where did you get my number?" taranta kong tanong at napakapit pa sa steering wheel ng mariin. Sobrang kasiyahan siguro 'cause finally after all these years masisilayan ko ulit siya at makikita ko na siya ng personal. Dati kasi ay nakikita ko lang yung picture niya sa social media.

"It doesn't matter. So, free ka ba ngayon? Early dinner sana then bar tayo" pag-aaya niya. Since he enlightened my mood ay mabilis pa sa alas kwatrong um-oo ako at hiningi ang place ng walang pakundangan. There's this unexplainable joy and excitement sa puso ko and I think kakalma lang ako kapag nayakap at nakita ko na siya.

"Hey..." mula sa pagi-scroll ko sa cellphone ko ay agad akong tumingala nang marinig ko muli ang boses na iyon. Hazel brown eyes met mine, that sweet smile made me smile too. I got up and gave him a tight warm hug. Siya naman ay humalik sa pisngi ko.

"I've missed you" sabi ko pagkatapos ko siyang yakapin. May iniabot naman siya sa 'king bulaklak, not a bouquet but yung usual na binibigay niya sa 'kin dati, stem of red rose.

"Mas namiss kita" sincere na tugon niya at umupo sa harap ko.

"Marunong ka pa rin magtagalog?" natatawa kong sabi habang inaamoy ang bulaklak na bigay niya.

"Yes. Almost all of my friends are fil-am and syempre sa family namin"

"'Di ko lang inexpect. Ilang taon kang nado'n eh"

"Hmm actually two months na ako rito paikot-ikot sa Pinas. Travel here and there, adventure lang" with actions niyang sabi. Ang daya ng lalaking 'to, hindi man lang nagpakita agad.

Loving The Cold Blue (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon