"Ewan sa 'yo, lakas mo mang-trip" sabi ko at umirap, walang pasensya ko ring tinusok yung sausage na hindi ko pa nagagalaw at mabilis na nginuya ito.

"'To naman... ang haba agad ng nguso, sa susunod gigisingin na kita" hinawakan niya pa ang kamay ko at marahang pinisil ito. Sumagi rin sa isip ko bakit pa nga ba ako magtatampo eh pinagluto niya na nga ako.. pero yung sinabi niya kasi na isa eh. Hmp!

"Kanino mo pala natutunan magluto nitong itlog?" pag-iiba ko, curious ako eh. Bakit ang sarap? Si Stella ba napagluto na niya nito? Sana hindi... Hiling ko sa isip ko, para kasing ang special ng pagkakagawa niya e. Malinamnam.

"Si Megan"

"Sino naman 'yon?" kunot noo kong tanong at padabog na namang kumain. Malay ko ba sa mga babae niya. Sarap ipagsama-samang itali ng mga buhok nun, yung braid para masayang panuorin kung pa'no nila maaalis 'yon.

"A friend" sagot niya pero hindi ako kumbinsido.

"A friend.." pag-uulit ko na may diin para mahalata niyang binibigyan ko ito ng kahulugan. Ewan ko ba, feeling ko may something sila ng babaeng 'yon. Pa'no kaya kung tama ako? Pa'no kung mas nasasatisfy siya do'n tapos biglang iitsapwera niya na lang ako?

"We're just doing it kapag... you know..." nagkibit balikat pa siya. Sabi ko na tama ako eh...

Agad na tumingin ako ng matalim sa kanya. "So pa'no ako? Yung agreement natin kagabi? Blue ayoko ng may kahati kaya pwede ba?" umirap ako sa kanya at padabog ulit na kumuha ng pagkain. Bwisit, may kahati na nga 'ko sa puso niya pati sa ano ba naman?

"Susundin ko naman yun kaya wag ka na magalit d'yan. Sa 'yo lang ako" malambing na pag-aassure niya sa 'kin. Hinigit niya pa ang kamay ko at inilapat doon ang mainit niyang labi pataas sa balikat ko.

"Blue, kumakain ako..." pigil ko sa kanya nang umabot siya sa leeg ko. Hindi naman siya nagpaawat at itinuloy iyon hanggang sa labi ko.

Matapos namin mapagsaluhan ang isang mabagal ngunit madiing halik ay naging tahimik na kami. Natapos na rin akong kumain at siya na mismo ang nagligpit niyon. Samantalang ako naman ay pumasok na ng banyo para maligo.

"Love, mamalengke na tayo" nakangiti siya sa 'kin habang ako naman ay nagbibihis sa harap niya. Wala na rin naman siguro akong dapat ikahiya, nakita niya na 'to... at kanya naman lahat.

"Hindi ba't parang maaga pa?" I glance at the wall clock at laking gulat ko nang mag-aalas dies na pala.

"Sobrang aga pa nga.." sarcastic niyang sabi at tumango-tango pang tila nang-aasar kaya nabato ko siya ng bra ko na may wire. "Aray naman, bastos nito" reklamo niya at hinilot ang masakit na part, nakonsensya naman ako agad dahil kita kong namula iyong braso niya kaya lumapit ako para pawiin ang sakit niyon.

"I'm sorry, masakit pa ba?" may pag-aalalang pahayag ko habang hinihimas ang braso niya. Siya naman ay mahaba pa rin ang nguso, kaya ang ginawa ko ay idinampi ko ang labi ko dun ng matagal. "Masakit pa?" tanong  ko sabay lapat ulit ng labi ko sa braso niya.

"Dito talaga yung masakit eh" turo niya sa labi niya kaya tinigil ko na ang ginagawa ko at marahan siyang itinulak. Kala niya naman sasakyan ko yung pag-iinarte niya.

Nang makapagbihis ako ay pumunta na nga kaming palengke para bumili ng ingredients sa gusto niyang matutunang dish.

"Dami-daming tumitingin sa 'yo oh, bakit kasi nagshort ka?!" inis na reklamo niya sa 'kin. Bakit 'di kaya siya dun magreklamo sa mga tumitingin.

"Eh bakit ba? Pabayaan mo lang sila. 'Di naman nila ako mahahawakan, bitbitin mo nga 'to" sabay bigay ko sa kanya ng plastic ng bangus. Ang laki-laking tao eh hindi man lang ako tulungan.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now