"Ayaw ko ate, dito lang ako ang lakas ng wifi. Magvi-video call kami ni Kean" edi siya na may lovelife. Nakakabitter sila minsan grr! 

Iniwan ko na siya sa resto ng resort kung nasan kami ngayon. Balak kasi nila mama at tita na icheck kung ito na ba talaga ang magiging venue ng engagement party namin ni Steve. And sabi pa ni mama pupwede raw kami dito magrelax ni Clarise.

Nang makapasok sa kwarto ay agad akong humiga. Hindi naman ako dalawin man lang ng antok kaya kung ano-ano na namang pumapasok sa isip ko. Andyan yung takot na baka malaman niya kung anong nararamdaman ko at bigla niya na lang akong iwasan. Ingat Alexa! Yan ang sinisigaw ng isip ko ngayon, pinapaalalang magkaroon lagi ng limit, baka kasi bigla akong madulas at boom! I'm now a stranger to her.

Nang wala nang pumapasok sa isip ko ay napatulala na lang ako sa phone ko. Thinking who I should call right now. One of my friend or Blue?

When I call Ericka or Janice, sesermonan lang nila ako at kapag si Devil naman ay baka magkwento na naman yun about sa nangyari sa kanila ni Stella nung Thursday. Mukhang di pa kasi yata tapos yung kwento niya sa 'kin nun eh. Buti na lang gumana ang bored tone ko sa kan'ya, I'll admit nagseselos na 'ko nun. Ang saya niya kasi magkwento, yung tipong isasama niya pa yung past nila. Like "we went to the ice cream parlor kanina and there she goes again... iba't ibang flavor yung scoops ng ice cream niya just like nung kami pa, and she seems so happy... walang nagbago sa kan'ya Alexa.." and I was like... pleeease staaahp! "Can't you see that I'm the one who understands you? Been here all along, so why can't you see? You belong with me" napapakanta na lang ako, but there goes the truth slapping me 'she doesn't belong to you, fool'. It hurts but I gotta accept that.

-

Hapon na nang magising ako, 'di na siguro kinaya ng utak at katawan ko kanina at nakatulog na lang ako bigla. Naisip kong maglakad-lakad sa resort, iniisip ko kung nasaan ba 'to.. nakatulog kasi ako kanina habang nasa byahe kaya hindi ko alam. Ang labas ko tuloy ay parang nakidnapped.

Nang mapagod ay nagpasya akong huminto sa harap ng isang fountain sa mini garden. May kalumaan na ang fountain base sa hitsura nito, maraming coins na rin ang narito, ang iba nga ay nilulumot na. Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang isang coin purse kong pink na dala ko kahit saan. Napili kong kunin ang lucky charm kong 5 cent, bronze ito at may butas sa gitna. Nag-iisip pa ako kung ipapangwish ko ba ang pera na 'to o hindi. Simula bata kasi ay hawak ko na 'to, everytime na nilalaro ko siya before the game or contest ay nananalo ako. Huminga ako ng malalim nang makapag-isip at bumulong sa hangin. "In case you changed your mind, I'll be here" I kissed the coin for the last time before tossing it backward. Muli akong humarap sa fountain and found the coin lying next to one peso and somehow it makes me sad. Di ko na siya mahahawakan muli. I had so much sacrifices for you Blue yet you're still chasing the one who makes you doleful.

Ilang minuto na akong nakatayo ngayon sa harap ng fountain, thinking what to do or where to go next nang may biglang pumulupot na mga kamay sa beywang ko at nagpatong ng kanyang ulo sa balikat ko. "Hey..." sa amoy at boses pa lang nito ay kilala ko na. No one can touch my heart through their voice, just her. "Di kita nakita kahapon sa school, busy ka ba?" parang bata niyang tanong, usually kasi kapag Friday ay kumakain kami sa labas. Mas lalong humigpit ang yakap niya dahilan para mas mainitan pa ako. Ghaad.. I miss her warmth, ilang araw din kasi kaming hindi nagkasama kaya nangungulila ako sa mga yakap at haplos niya. "Alexa..." tawag niya sa pansin ko. Napamulat ako ng mata dahil dun, masyado ko kasing inenjoy sa bisig niya't nakalimutan kong sumagot sa mga pinagsasabi niya. Isa pa ang daming tanong sa isip ko. Why is she here? Pa'no siya napunta rito sa kinatatayuan ko? Am I dreaming?

"Hindi ako pumasok kahapon" sagot ko. Tumambay lang kasi ako sa bahay maghapon since wala naman daw papasok na instructor sa 'min maliban sa isa. So why would I waste my time and effort? Wala namang kapupuntahan.

"Ganun ba? Namiss tuloy kita..." walang sabi sabi ay pinaghahalikan niya ang balikat at batok ko dahilan para magwala ang puso ko. Para tuloy akong nastimulate sa ginagawa niya't hindi ako makakilos para pigilan siya. Pinihit niya 'ko paharap sa kan'ya, kita ko ang ngiti niya bago niya tuluyang  sakupin ang bibig ko. Nariyang napapakapit ako sa batok niya at dinidiin ang aming sarili sa isa't isa. Nawala na ang mga tanong sa isip ko at mas pinagbuti ang ginagawa ko. "Miss na miss mo rin pala ako" pilyang sabi niya nang huminto kami, magkadikit pa rin ang mga noo namin. Animo'y nasa isang palabas at nasa romantic scene na nakapikit pa.

"So much" my soul whispered. I opened my eyes and witness darkness starts to consume her cerulean eyes. I don't like where is this going but as soon as she kissed me, I forgot the notion and just go with the flow. Every nudge she make inside my mouth makes me warm. Komportable akong nakayakap sa batok niya at ganun rin siya sa beywang ko. Lust totally consumed me but that was replaced by anxiousness when I heard a very familiar voice.

"Ate?" Blue stopped invading my mouth and tilted her head to my sister. Hindi ako makatingin kay Clarise dahil sa hiya, pero nang maalala kong nasa tabi ko si Blue ay nawala lahat ng pangamba ko.

"Clarise.." halata ang gulat sa mga mata niya at nagpapalipat-lipat sa 'min ni Blue ang tingin niya. 

"Don't tell anyone what you saw" tila nananakot na sabi ni Blue na parang hindi man lang kinakabahan, samantalang ako ay ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.

"I'll just talk to her Blue" kuha ko ng atensyon nito. Tumango siya sa 'kin bago inilapit ang mukha sa tainga ko.

"I'll wait you in my room. It's number 03. We're not done yet..." she whispered that penetrates my soul and bring shiver down my spine. Mas nagulat pa ako nang makita ko ang mga mata niya, kagaya pa rin ng kanina.. still hazy with lust.

Nang makaalis si Blue ay sinundan pa ito ng tingin ni Clarise bago lumapit sa 'kin. "Care to share?" agad na pangungulit niya.

"It's nothing. We're nothing" pagsabi ko ng totoo. Wala lang naman yun at mas lalong walang kami kaya wala rin akong masasabi kay Clarise.

"Sa 'yo siguro ako nagmana" tuya niya na ikinataas ng kilay ko.

"Excuse me? Eh ngayon lang ako naging ganito" taas kilay kong sabi, ayaw kong maasar niya so I showed her my bitch side.

"Just kidding. Pero ate... alam niyong bawal 'yang relasyon niyo lalo na't ilang months from now ay ikakasal ka na kay kuya Steve" nalulungkot niya akong tiningnan na parang concerned sa bawal na relasyon daw namin ni Blue. Maybe nag-aalala siya sa 'ming dalawa at sa kung anong pwedeng mangyari.

"Walang kami, okay? Yung nakita mo, wala lang yun. May ibang intimacy lang talaga kami" tiningnan niya akong gulat na gulat, and tumango lang ako. Napalunok pa siya na parang hindi makapaniwala. "Just don't tell mom and dad. They'll kill me" nang tumango siya bilang sagot ay hinila ko siya paalis sa mini garden. Hindi ko alam kung saan kami pupunta but we end up sa labas ng room niya, pinapasok ko na siya dun at nag-isip naman ako kung tutuloy ba ako sa room number 03. Wag na lang siguro?

---

an: Now what? Hahaha

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now