"Blah blah blah nagugutom na 'ko samahan mo 'kong kumain" putol ko sa kanya, alam ko naman kasing irereffer niya 'ko sa ibang babae at sasabihing mas kaya akong mahalin nun. Grabe mangtaboy, di talaga marunong magdahan-dahan.

Para hindi na lang siya tumanggi ay hinila ko siya para maglakad kasama ko. "Ano bang gusto mong kainin?" tanong kong hindi pa rin binibitiwan ang kamay niya, it feels good and hindi naman siya bumibitaw eh. Nakaintertwined pa nga sa 'kin.

Bumagal kaming maglakad dahil nag-iisip siya, nakatingin pa siya sa taas habang ginagawa yun. "Ice cream" sambit niya at ngumiti, parang naiimagine niya na yung mga flavors sa utak niya. "Ah maglalakad lang ba tayo? Medyo malayo pa yun"

"Coding kasi ako eh, tsaka malapit na lang naman. Magtiis ka na lang" kainis naman kasing number coding yan eh, wala tuloy akong kotse ngayon. Hinila ko na lang siya para maglakad ulit, kung pwede nga lang kargahin ko siya para di na siya mas mapagod pa lalo kaya lang baka sipain naman ako. Nasipa niya na kasi ako dati dahil dun.

Nang malapit na kami sa pupuntahang ice cream parlor ay di naman inaasahang makakasalubong namin si Steve, well di lang siya kundi pati si Alexa. Nakalimutan kong lumalabas-labas na pala sila. Yung kaninang ngiti naman sa mga labi nila ay napalitan ng pagkagulat nang makitang magkasama kami ni Stella, lalo na si Steve nang madako ang tingin niya sa kamay namin. Ako naman ay napatingin kay Stella at napabitaw nang makita kong nagwoworry siya sa kung anong isipin ng kapatid ko.

"Ellise tumawid na tayo, ayaw ko ng gulo" bulong sa 'kin ng katabi ko, umisang sulyap muna ako kay Alexa na nakatingin naman pala sa 'kin bago umalis. Di ko maipaliwang kung anong ibig sabihin ng titig niya, parang naiinis at malungkot, basta hindi ko maipaliwanag.

"Eto na po order niyo ma'am" nakangiting sabi ng waitress saka ngumiti. Ako nama'y tahimik lang at tumingin sa pagkain ko. Hindi ko kasi alam kung mabubusog ba ako sa tuna sandwich at isang mason jar style na baso ng ice cream, parang gusto kong kumain ng rice meal.

Inayos ko na lang yung order at binigay kay Stella yung comfort food niya, ice cream. "Bagay sila 'no?" biglang wika niya habang puno ang bibig, ang cute niya tuloy. Pero mukhang nalulungkot na naman siya. Kung anong pagkakita ko sa kanya kanina sa labas ng school ay ganun na naman ang mukha niya ngayon. 'Di kaya nagkita sila kanina ng kapatid ko? Hindi malabong nangyari yun.

"Aah.. nagkita ba kayo kanina ni Steve?" mukhang nabigla ito sa tanong ko pero agad din nakabawi at nilunok yung kinakain niya.

"Nakita ko lang siya with his.. fiancee. Sa bench malapit sa concrete stage" I saw sadness in her eyes nang banggitin niya yung 'fiancee'. Siguro sinasampal niya lang sa sarili niya ang katotohanan. "Ano ba naman kasing panama ko sa Alexa Montenegro na yun... mayaman, maganda, sobrang talino tapos mabait pa" himutok niya at binuhos sa kawawang baso ng ice cream ang lungkot na nararamdaman niya, pinagtutusok niya yun ng kutsara. Hindi niya lang alam kung anong mayroon kay Alexa ay mayroon din naman siya, lalo na sa ugali, kaya nga mahal ko siya eh.

Pero natawa ako sa huling sinabi niya kanina. Mabait daw si Alexa, well sa 'kin mabait yun pero sa iba.. I doubt it.

"Tumatawa ka dyan?" nakasimangot na sabi ng katapat ko.

"Eh kasi sabi mo mabait si Alexa.. pfft... HAHAHA!" nakahawak na ako sa tiyan habang patuloy pa rin sa pagtawa.

"Mabait naman talaga yun" nakasimangot pa rin siya, nang mahimasmasan naman ako ay tinanong ko kung pa'no niya nasabi kaya tumikhim siya at nagsimula. "I don't know kung natatandaan niya pa ako, sobrang tagal na rin kasi yun eh... nakasama ko siya dati sa fashion show, tapos yung ibang models ay pinagkakaisahan ako na ako daw yung kumuha ng make-up nung isang kasama namin then dumating siya and pinagtanggol ako at chineck kung okay lang daw ba ako. Take note sincere siya nun and para akong little sis niya" mahabang kwento niya at nabilib naman ako kay Alexa. I can't imagine she can do that. Knowing her, napakataray sa iba at napakawalang pake kung hindi niya gusto yung tao. "Simula nun idol ko na siya, role model din and girl crush" dagdag niya pa, kaya napasimangot ako.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now