"Yung totoo? Araw ba ng pagbitay sa inyo ngayon?" kuha ko ng atensyon ng dalawa nang makaupo ang mga ito. Hindi kasi magkasya sa table namin lahat ng pagkaing in-order nila kaya humila pa yung crew ng isang table at idinugtong sa 'min.

Tumawa lang sila sa 'kin saka tumahimik at nagsimulang kumain. Hindi man lang ako sinagot!

"Tumaba sana kayong dalawa" hiling ko sa hangin na nakakuha naman ng atensyon nila. Pa'no kasi ay ang bilis ng tunog ng kutsara't tinidor, mga gutom lang?!

Nagmamadaling uminom muna si Janice ng tubig bago tumingin sa 'kin ng masama, nabulunan kasi ito. "Wag namang ganyan Sap, minsan lang 'to kaya sinulit na namin" saka ulit siya yumuko at tumuloy sa pagkain.

"Oo nga Sapphire, sayang pagwo-workout ko" sabat naman ni Ericka. Wow, nagwo-workout pala siya sa lagay ng pagkain niya ngayon? Geleng nemen.

Nang matapos kami sa pagkain ay nagmadali kaming pumasok sa school dahil medyo malelate kami kung tutunawin pa namin lahat ng nakain namin.

Pagkapasok sa room ay as usual may nagde-demo na sa harap, soup ang ginagawa niya at pinapakita sa 'min ang pagkakasunod-sunod na gagawin. Binigyan din niya kami ng tips para mas masarap pa ang soup na gagawin namin sa practicum day, which is sa Wednesday na.

After that ay dinismiss na kami due to faculty meeting raw. Pagkalabas na pagkalabas pa lang naming tatlo ay dali-daling kinuha ko ang phone sa bag to check kung may messages ako. Mayroon naman pero lahat ay hindi galing sa taong lagi kong inaasahan. Haynaku parang hindi ka na nasanay, eh minsan lang naman yang nauuna magtext sa 'yo sabat ng peste kong utak. Nagkandaleche leche na tuloy at muntik pa akong matalisod dahil sa isiping iyon, idagdag pa na mula weekend ay wala siyang paramdam. "Okay ka lang girl?" nag-aalalang tanong ni Ericka, tumango naman ako bilang sagot saka nagpatuloy sa paglalakad.

Humiwalay na rin ako sa kanila dahil nga sabi ko ay pupunta ako sa building ng CEAT, College of Engineering and Architecture Technology. Pupuntahan ko sana si Blue pero pagkarating ko ay naglalabasan naman lahat ng mga estudyante. Rinig ko pa ay may faculty meeting rin daw sa kanila.

Hinintay ko nalang siya sa parking lot at nang makita ko na nga siya ay nag-hi ako rito pero hindi naman ako pinapansin. Parang galit pa sa 'kin. Natatakot man dahil dala niya ang t-square niya at dahil baka ihampas niya yun sa 'kin ay lumapit pa rin ako. Hindi naman masama sa 'kin si Blue para gawin yun. "Hey Blue, may problema ba?" sabi ko nang makalapit ako. I even gripped her arm para pansinin niya 'ko at humarap sa 'kin. Umiwas lang siya ng tingin habang titig na titig ako sa kanya. Inalis niya rin ang pagkakahawak ko sa kanya bago ako tiningnan sa mga mata, para akong nanigas dahil sa lamig ng pagkakatitig niya. Parang nung mga panahong unang encounter namin, ganun ang pakiramdam ko ngayon.

"Hindi ba tayo okay?" usisa ko pa na hindi nagpapatinag sa tingin niya.

"You think we're okay after mo 'kong pagsinungalingan?" Diin nito at parang nanliit naman ako sa kinatatayuan ko. Here I go again, nanghihina nang dahil sa kanya.

"But that night you texted me to drive safely so I thought... okay tayo" parang batang rason ko. Hindi ko alam pero takot na takot ako ngayon kaya pinipili ko lahat ng mga salitang sinasabi ko.

"For two fucking weeks wala ka. You said you were just in your house sleeping and watching movies. Kung di ko pa tinanong si mama kung bakit nasa bahay ka eh hindi ko rin malalamang pinagsisinungalingan mo 'ko" kita ko ang galit sa mata niya at halos duruin niya rin ako.

"Blue I'm sorry ayaw ko lang ng---" gulo.

"Anong nagawa ko sa 'yo?" Putol niya sa 'kin kaya nakagat ko lang ang labi ko. Hindi ko talaga kayang sabayan ang galit niya. "Alalang-alala ako sa 'yo kasi baka nais-stress ka na, there are times na gusto kong pumunta sa 'yo but I'm too busy kaya tumatawag na lang ako tapos nakikipagdate ka lang naman pala sa kapatid ko maghapon" kung sa ibang pagkakataon sana ay kikiligin ako sa care na mayroon siya para sa 'kin at mag-aassume akong nagseselos siya, pero ngayon hindi. She felt being betrayed. Kala ko naman kasi ay kung di ko sasabihin ay walang gulong mangyayari. Mayroon pa rin pala.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now