Kabanata 11: Zoe's first kiss

520 17 7
                                    

Chloe POV

Ang makitang umuusbong ang pagmamahalan kina Nicole at Zander ay lubos kong ikinatuwa. Imagine nyo nag sacrifice sya na bantayan ang kapatid namin sa ospital na di naman nya kaano ano diba? Mukhang ako nalang ang walang lablayf dahil sa nangyari kanina. Nakita ko kung gaano kasaya ang mga mata ni Josh ng halikan si Zoe na alam kong may feelings pa kay Zander na may gusto kay Nicole hindi man nya tahasang sabihin ito.

"Chloe... manhid ka ba?" maya maya ay eksena ni Angelo sa imahinasyon ko.

"H-Ha? bakit mo naman nasabi 'yon?" takang tanong ko. Tumawa sya ng mahina na syang naging dahilan ng pagkunot ng aking noo.

"Ano kaba, pick up line ko yun," sagot nya.

"H-ha? T-talaga? o sige bakit?" tanong ko.

"Wag na nga lang mukhang may iba ka namang iniisip eh at mukhang napakaimportante ng mga yun sayo." wika nya na may halong pagtatampo.

"Asows! tampurorot ka, alam mo ikaw ang hilig mong mang ganyan, pabebe ka masyado." irap ko sa kanya.

"Luh? hindi ah," wika nyang ngumuso pa. LastikMan! Nagpapacute pa to.

Lechugas! ang gwapo nya lalo na pag tumawa ang kanyang mata' walastik! napakanta pa ako ng walang boses. Parang bigla akong di mapakali dahil sa mga titig nya sa akin.

"Ano nga yun? sige na.. bakit? bakit ako manhid?" pagpupumilit ko pa.

"Kasi obvious ng gusto kita hindi mo pa rin napupuna." nakatungong sambit nya. Ahahaa! sa loob ko lang na tawa yan.

"Ayos ka lang ba?" sabay salat ko ng noo nya, baka kasi may lagnat at nakikigaya lang sa mga barkada nyang sina Zander at Joshua.

"Hmf.. wala nga, ayaw mo bang maniwala?" tanong pa nya.

"Hindi ka ba nananaginip lang? alam mo ba ang sinasabi mo?" tanong ko pa.

"Oo, gusto talaga kita, totoo yun." Heart Day ba ngayon? Bakit ganun? Puro Love Love and Love sila? Napanganga ako sa tinuran nya, bakit ganun silang barkada gusto kaming tatlo at si Zoe at Josh sila na.

-KRIIIIINNNGGGG-

Thank God saved by the bell. Tumayo ako at tumakbo palabas ng canteen iniwan syang nakatunganga sa mesa namin. Bago tuluyang lumabas ng canteen ay muli akong lumingon sa kanya at sumigaw.

"Saka ko na sasagutin ang tanong mo ha? may klase na ako." pagkawika ko nun ay tumuloy na ako sa paglabas ng pinto at nagtungo sa classroom namin.

Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi nya. Mukhang maiinlove ata kaming tatlo sa barkada nila. Hindi naman sa nagmamadali akong magkalablayf baka kasi sa kakamadali ko dahil naiinggit ako kay Zoe ay maling lalaki yung makuha ko, mahirap na baka sa murang edad ko ma broken hearted kaagad. Si Zoe alam kong matatag sya, kaya nyang i handle ang bawat sitwasyon na papasukin nya kaya ok lang na mauna na sya. Ang mabuting gawin ko muna ay ang kilatisin si Angelo at pag nakilala ko na sya ng lubusan why not na buksan ko ang pinto ng puso ko para sa kanya.

Zoe and Joshua is much compatible according na rin sa mga character nila, si Zoe na mataray at prangka samantalang si Josh na makulit at mahilig mang asar, ewan ko nalang kung kaya nilang pakibagayan ang bawat isa.

"Chloe Buenavista... kanina pa kita tinatanong, hindi mo ba ako nakikita?" nakataas ang kilay na sabi ni Mam Gluta ang teacher namin sa Physics.

"P-Po? maam sorry po, may masakit po kasi sa akin.. masakit po ang pu-..p-puson ko..iniisip ko kung paano ko sasabihin sa inyo." utal kong sambit.

"Talaga?" tanong nya na para bang hindi kumbinsido sa palusot ko.

"Opo Maam, meron po kasi ako." nahihiya kong sabi dahil lahat ng classmate ko ay nakatingin na sa kinauupuan ko.

Buenavista Triplet'sUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum