Kabanata 3: Differences

1K 40 0
                                    

Nicole POV

Ako ang pinaka isip-bata sa aming tatlo. Hindi naman kahit silang dalawa ay isip-bata rin dahil mga bata pa naman kami. Madalas tahimik ako at walang imik. Tumatango nalang kapag may pinag-uusapan keysa mag-comment na hindi naman nila magugustuhan. Hindi naman talaga ako tampuhin, dumadating lang sa puntong nalulungkot ako dahil pakiramdam ko ay nag-iisa lang ako. Si Mommy na kay Zoe, si Daddy na kay Chloe naman, alam ko naman na mahal nila akong dalawa pero kulang.

Gusto ko ring maramdaman na paborito ni Daddy at hindi si Chloe. Paborito ako ni Mommy at hindi si Zoe pero hindi ata mangyayari 'yon. Alam kong mahal din nila akong dalawa, ngunit mas lamang pa rin 'yong pagmamahal at atensyon na nabibigay sa kanila. Dapat ako ang paborito nila dahil ako ang bunso, ako 'yong mas bata at tinuturing nilang nakakabata. Hindi ko naman hinahangad 'yong buong atensyon nila. Gusto ko lang na maramdaman 'yong pagmamahal na binibigay nila sa dalawa.

Sandali, bakit ang bitter ko?

Totoo 'yon, naiinggit ako sa kanila, kahit pa sinasabi nila na mas maganda ako. Na mas matangkad ako, na mas makinis ang balat ko, na mas gustuhin ako ng teacher keysa sa kanila. Nandoon pa rin 'yong pakiramdam na may kulang. Hindi ko na nga lang iniintindi dahil baka magtanim lang ako ng galit sa kanila. Mahal ako ng dalawa kong kapatid walang duda 'yon.

Hindi nila alam na na o-op na ako kaya hindi nalang ako nagsasalita pa. Na o-op na ako tuwing lalabas kaming buong pamilya. Kaya mas pinipili kong huwag ng magsalita pa at makisama nalang. Tulad noong namili kami ng gamit sa bookstore, sa halip na ako ang inaalalayan nila 'yong dalawa kong kapatid ang nakakabit sa mga braso nila. Ang babaw Kung iisipin pero malalim ang sugat na ginawa nito sa akin.

Ako?

Nakahawak ako sa kamay ni Chloe dahil natatakot ako. Natatakot akong mawala at mahiwalay sa kanila. Pero ayos lang, alam ko namang mas kailangan sila ng mga kapatid ko keysa sa akin. Noong nanood kami ng sine kahit natatakot ako tinibayan ko ang loob ko dahil nakahawak ako kay Chloe. Gusto kong yumakap kay Daddy, kay Mommy pero wala sila.

Hanggang nakahanap ako ng katawan, sa pag-aakala kong si Daddy niyakap ko ito. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na yakapin siya kaya hinigpitan ko na kahit madilim. Laking gulat ko nang magbukas ang ilaw, hindi si daddy, hindi si mommy at lalong hindi si Chloe ang nayakap ko kung hindi ibang tao!

My G!

Napakalas ako sa kanya nang makitang ganun din ang nangyari kay Chloe at Zoe. Pero pakiramdam ko komportable ako habang yakap siya.

Sino kaya siya?

Isang mabilis na sulyap pa ang ginawa ko sa kanya bago tuluyang namatay 'yong ilaw at nagsimula ang palabas. Parang may koneksyon siya sa akin na hindi ko maipaliwanag. Takot kami sa horror movies, isa 'yon sa kahinaan namin. Nakita ko si Chloe na hindi mapakali sa kinauupuan niya. Maya't-maya ay tinitingnan niya kami. Si Zoe ay nakita ko na namumuo na ang pawis sa buong mukha.

Ako?

Nakaupo sa dulo at walang katabi. Si Chloe ay nanlalamig na ang mga kamay. Hinawakan ni Chloe ang kamay ko, lagi namang siya ang nandiyan para sa akin. Siya lang at siya.

Kinabukasan ay naligo kami sa swimming pool at op na naman ako sa pinag-uusapan nila. Kaya ang ginawa ko ay nagtungo ako sa pinaka sulok ng pool. Nag-uusap lang naman sila tungkol sa course na kukunin nila pag-apak ng college.

Ang akala ko 'yong mga paborito nila ang gagayahin nila pero nagkamali ako. Si Chloe gusto maging attorney, si Zoe gusto maging isang doctor.

At  ako?

Ano nga ba ang gusto kong kunin sa college?

Wala na, nakuha na nila ang propesyon ng mga magulang namin, hindi ko alam kung anong course ang babagay sa akin.

Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now