Kabanata 14: The rescuer

393 21 0
                                    

Chloe POV

Nagkaroon na naman nang hindi pagkakaunawaan ang dalawang kapatid ko. As usual dahil na naman sa lalaki. Kaninang umaga pag gising ko nakita kong nakayakap si Zoe sa kanya. Hindi ko alam kung paano nya kami nahanap e hindi naman nya alam. Siguro hindi rin sya sanay na hindi kami tabi-tabi. May point naman ang pagtatampo ni Nicole, si Zoe kasi..

Anyway forget nyo na yun, kasi nakita kong nag-uusap na silang dalawa. Start ngayon ng foundation day namin kaya abala ang lahat. Kanya-kanya ng booth na pinupuntahan at malaya din ang lahat ngayon na maglakwatsa sa booth ng iba kasama ang mga bf/gf nila. Nakita kong nakangiti na si Nicole at masaya rin si Zoe.

"For you," nakangiting abot sa akin ni Angelo ng tatlong piraso ng white roses.

"Para saan? valentine's ba ngayon? di naman ahh?" biro ko sa kanya.

"Naman eii. " maktol nya, parang bata.

"Sige na nga.. akin na yan, at agad naman nyang ini-abot sa akin."

"Thank you." nakangiti kong pang wika. Pinisil nya lang ang pisngi ko at saka kumindat. Aiyiiee.. Enebeyen.. nikikikilig nemen sye..

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang foundation day. Kanya-kanya silang pwesto kung saan, may horror booth at talaga namang nakakapanindig balahibo ang tunog sa labas palang. Nang sumapit ang tanghali ay out na kami dahil time naman namin ang mag enjoy, pinalitan kami ng ibang ka group namin na nakapag lakwatsa na kaninang umaga.

Mabuti nalang sabay-sabay kaming tatlo na panghapon maging ang mga boys. Magkakasama kaming anim but wait a minute may babaeng malandi na kasama si Nicole. Bakit ko nasabing malandi? una, ang kapal ng mukha nya na mag make-up ng sobrang kapal at hindi naman bagay, para pa syang nasapak sa kapal ng blush on at gurabehh! ang pula ng tuka nya kulang nalang mag eye shadow at mag eyeliner sya mukha na syang clown.

Pangalawa Flirt siya, kanina pa sya ngiti nang ngiti sa mga boys namin, lalo na kay Zander. Nakow! magagalit na naman ang bunso namin nito. Napag-alaman kong Max ang name nya who cares? Nagtungo kami sa booth ng ice cream. Bumili kami ng ice cream at nilibre syempre ng mga labs namin except kay Max na sariling pera nya. Mukha naman syang mayaman kaya sya na magbayad ng ice cream nya.

Dumaan kami sa booth nila Nicole at nagpa personalize ng keychain at bracelet na magkakapareho ng kulay ng mga labs namin at syempre dahil puto maya si Max bumili rin sya pero may partner para daw yun sa crush nya if I know si Zander yun kung makatitig kasi parang lulunukin nya na ito ng buhay. Nilibot namin ang buong campus at sadyang nag-enjoy kami.

Ikaw ba naman maka holding hands mo ng matagal ang labs mo hindi ka ba magiging masaya? Nag end up kami sa damuhan ng mapagud na at doon nag foodtrip. Nakahiga si Josh sa damuhan habang nakahiga sa lap ni Zoe, sweet nila neh? Si Nicole at Zander naman ay nasa di kalayuan at kanina pa nagbubulungan, ayaw ba nilang iparinig sa amin ang pinag uusapan nila? Ako at si Angelo heto magkatabing nakaupo habang pinapanuod ang mga tao sa paligid at si Max?? heto katabi namin ni Angelo.

"Hindi ka ba naiinggit?" maya maya ay tanong ko sa kanya.

"Kanino? sa inyo? Haha- syempre naiinggit kaya lang may gustong iba si crush." sabay baling nya ng tingin kay Zander. Confirmed! Ano bang meron kay Zander? Si Zoe nagkakagusto sa kanya, at ngayon ang Friend kuno ni Nicole.

"Si Zander ba yung crush mo?" panghuhuli ko sa kanya.

"Oo, crush ko na sya since grade 4 kami, nadevelop ako sa kanya dahil lagi ko syang kalaro, saka family friend yung mga magulang namin." walang gatol na sagot nya. Waaaaaah!

"Childhood friend kayo? pero bakit parang di ka nya pinapansin ngayon kung kilala ka nya?" curious kong tanong.

"Ahh..It's a long, long story kasi yun, saka nakakahiya kung ikukuwento ko pa sa'yo." nakangiti nyang wika. Ngayon pa sya nahiya. 

Buenavista Triplet'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon