Kabanata 34: Mysterious Women

363 18 0
                                    

Third Person POV

Pumasok ng bahay sina Nicole at Tyron dala ang basket ng huli nilang isda. Pagdating sa loob ng bahay ay ibinuhos ni Tyron ang laman ng basket sa malaking batya.

"Anak ang dami mo atang huli ngayon?" puna ng ina na kasalukuyang may tinatahi. Bukod sa pagtitinda sa palengke ng ina nila ay hilig rin nitong manahi.

"May kasama daw po kasi akong maganda kaya naglalapitan ang mga isda sa pain." biro nito sa ina na ang tinutukoy na swerte ay si Nicole. Ngumiti lang ang ina sa binatilyo. Hindi naman ito napansin ni Nicole na abalang hinahanap ang maliit na goldfish. Nang mahanap ay napatalon sya sa tuwa.

"Ayun..." bulalas nya habang tinuturo nya ang isda. Dinampot ito ni Tyron at hinugasan saka inilagay sa bote ng 1.5 na coke na pinutol nya ang kalahati.

"Baka lumundag yan!" tila takot na sambit ng dalagita ng makita ang isda na masiglang lumalangoy.

"Hindi naman yan flying fish at lalong hindi palaka, kaya don't worry hindi 'yan makakawala basta wag mo ipapakain sa alaga mong pusa." sagot nito.

"Hahaha. Gaanun ba yun? salamat.." wika nya. Kinuha ng dalagita ang lalagyan ng isda at nakangiti nya itong pinanood.

"Gusto mo bang magdala ng pang ulam?" maya maya ay tanong dito ng binatilyo .

"Wag na.. sa inyo nalang 'yan," ngiting wika nya.

"Sigurado ka ba?" nag-aalala pa rin nyang tanong.

"Oo, at isa pa okay na ang goldfish na ito na kabayaran sa pagud ko." masaya pa ring wika ng dalagita.

Tumingin lang sa kanya si Tyron at masayang ngumiti. Para sa kanya si Nicole ang perpektong babae para mahalin nya at makasama habang buhay. Sa pakiramdam nya mahal na nya ang babaeng kaharap nya. Sa pagiging magkaibigan lang muna nila alam nyang mas lalalim pa roon ang relasyon nila kung hihintayin lang nya ang tamang panahon at tamang pagkakataon.

Sa ngayon masaya na sya na magkaibigan lang muna sila. Si aling Naida ay saglit na napatigil sa pananahi ng makita ang anak na masayang masaya na nakatingin sa babae. Naniniwala syang magiging higit pa sila sa pagkakaibigan. Ngumiti lang ang ginang at pinagmasdan ang dalawa na masayang nag-uusap.

Sa labas ng bahay ay muling naupo sa bangko si Zoe na naiinis pa rin sa sinabi ni Clyron. Hindi nya alam kung bakit sya naiinis gayong iniligtas na nga sya nito kanina.

"Galit kaba?" tanong ni Clyron sa kanya.

"Hindi.. tuwang tuwa nga ako ohh.." sagot nito sabay pakita ng mapang uyam nyang ngiti.

"S-sorry.." sagot ng lalaki.

"Ayyy.. LQ agad? Layron tara ulit sa mga ibon mo." parinig ni Chloe at umalis na ang dalawa upang magbalik sa mga alaga nitong ibon.
______

"Ano kaya ang pwedeng gawin?" maya maya ay tanong ni Chloe kay Layron habang nasa kulungan sila ng mga ibon ng lalaki.

"May gusto ka bang kainin o inumin?" tanong ni Layron dito. Umiling lang ang babae at matamang nagmasid sa paligid. Natanaw nya ang malinaw na tubig dito kaya tumayo sya sa pagkakaupo.

"Tara dun!" turo nya sa ilog. "Gusto kong magbasa ng paa, dalii." hila pa nya kay Layron na hawak hawak ang alaga nyang parrot.

"Teka lang.. ibabalik ko muna si fart sa kulungan nya, itaas mo ang pantalon mo." utos nito.

Ginawa naman nya ang sinabi ng lalaki pero napatingin sya sa suot na sapatos. Iniisip nya kung ano ang gagawin nya dahil hindi ito pwedeng mabasa. Pagbalik ni Layron ay bitbit nito ang isang pares ng tsinelas.

Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now