Kabanata 48: Decision

291 11 0
                                    

Chloe POV

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Nicole. Paano nga kaya kung kapakanan ang iniisip nila para sa amin kaya nagawa nila kaming ipamigay? What if ganun ang mga pangyayari? Paano naman yung case ko na hindi na ako binalikan pa? Yung case ni Zoe na nasa tiyan palang naka plano ng ipapaampon kila mommy? Yung case ni Nicole na sa katunayan ay may kakambal pa sya? Haaay..

Hindi ko alam kung paano ito dedesisyunan. Bibigyan ba namin ng chance sila na kilalanin? Paano sila daddy? Tiyak labis silang masasaktan. Kung kakausapin naman namin sila for sure hindi papayag ang mga yun sa plano naming tatlo. Kung ililihim naman namin sa kanila panigurado sasama ang loob nila sa amin oras na malaman ang ginawa naming tatlo. We can't hide it from them.

Bumaling ako ng pwesto at nakita ko na 1am na. Jusme! Hindi pa rin ako makatulog. Bilang panganay iniisip ko yung magiging kapakanan naming tatlo. What if masama ang ugali ng mga daddy namin, yung totoong daddy namin? Paano kung nananakit? Paano kung matapang? Haaaay.. Kaylangan kong makausap ang dalawang kapatid ko bukas.

Nakaramdam ako ng uhaw. Dahil madaling araw na hindi ko pwedeng gisingin si yaya dahil lang sa isang basong tubig. Tumayo ako at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Pababa na ako ng hagdan ng may maulinigan akong taong nag-uusap. Mula ito sa kwarto nila daddy. Hindi ko ugali ang makinig sa usapan ng iba pero dinala ako ng mga paa ko sa harapan ng room nila. Marahan akong sumilip sa siwang ng pinto at nakita ko silang dalawa na nakaupo sa kama.

"Hindi mo ba narinig yung usapan ng mga bata kanina ha? They want to know ang mga totoong nanay nila. Wala kabang gagawin?" singhal ni mommy kay daddy. Ibig sabihin narinig nga nila ang usapan namin lalo na yung mga sinabi ni Nicole.

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Do something para hindi nila tayo iwan."

"Anong gagawin ko? Wala akong alam na gawin, ikaw? May alam ka bang pwedeng gawin natin ha?" Tanong ni daddy sa kanya. Muli silang napaupo sa kama.

"H-Hindi nila tayong pwedeng iwan L-Lino. Hindi pwede." malungkot na sambit ni Mom.

"Hindi nila tayo kayang iwan. Ibinigay natin ang lahat sa kanila. We treat them well, kaya wag ka ng mag-alala pa." alo dito ni Dad.

"D-Dalhin kaya natin sila sa abroad? D-doon natin sila pag aralin ng college. Paghiwa-hiwalayin natin sila para hindi tayo magawang iwan ng isa sa kanila." suhestyon ni Mom. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Dadalhin kami sa abroad at different countries? Hindi pwede ito kaylangan naming makilala ang mga totoong magulang namin.

Nawala ang uhaw ko, patakbo akong bumalik sa room namin.
Humihingal akong napasandal sa likod ng pinto ng kwarto namin. Tinapik-tapik ko ang mukha ko, baka sakaling nananaginip lang ako at hindi totoo ang mga narinig ko. Pero hindi, hindi ako magising dahil totoong gising na gising ako.
Patakbo kong tinungo ang higaan at padapang nahiga rito ng makarinig ng mga yabag na patungo sa kwarto namin. Bumukas ang pinto at narinig ko ang bulungan nila.

"Look at them, hindi nila tayo magagawang iwan, ibinigay natin ang lahat sa kanila kaya hindi nila tayo iiwan. Hindi na natin kaylangan pa silang ilayo." boses yun ni Daddy.

"Lino..matanda na sila at isa pa mayaman na rin ang mga totoong magulang nila at yun ang ikinakatakot ko, kaya na nilang ibigay ang lahat para sa kanila." tugon ni Mommy.

"Yun nga matanda na sila. We know Nicole, Zoe at Chloe.  Mahal nila tayo kaya malabong mangyari yun. At isa pa hindi sila materyalistik na mga bata. Yung ipasyal sila sa amusement masaya na sila." muling sambit ni Daddy.

"Sana nga tama ka, pero gagawin ko pa rin ang desisyon ko oras na bumalik sila dito."

"Ssssh.. Tama na yan, halika na at matulog na tayo."

Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now